Lizzy Pov.
Napahawak ako sa sentido ko ng maramdaman ko ang sobrang pakirot ng ulo ko.
"Shucks! Nasan na ba yun gamot ko?" Giit ko habang hinahalungkat kosa drawer ko ang gamot para sa sakit sa ulo.
Nang matagpuan ko ang gamit ko ay kaagad ko ito ininom. Napaupo nalang ako sa kama ko at huminga ng malalim. Ala-singko na ng umaga ng maalipungatan ko ang matinding sakit sa ulo ko. Sinusumpong siguro na naman ako ng midgraine ko baka dahil siguro kakulangan ko ng tulog.
Napailing nalang ako ng maalala ko ang dahilan bakit ako napuyatan. Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame.
Hindi ko mapigilan mag-function ang utak ko ng maalala ko ang bagay na iyon.
Hindi ko alam kung bakit parehas na sakit nang naramdaman ko before kay Lemuel ng..... Nang makita ko silang dalawa ni Ericka. I know.. May past sila pero bakit ganito?
Ang sakit naman yata?
Napapikit ako ng maramdaman ko ang paglandas ng luha ko. Eto na naman... Iiyak na para bang mahal na mahal ko siya.. E , alam ko sa sarili ko na si Lemuel lang ang mamahalin ko.
Napadilat ako ng bigla nag- pop sa utak ko ang sinabi sa'kin ni Lemuel..
"May mga taong nalilito sa nararamdaman nila para sa dalawang taong malapit sa buhay niya.. Meron dumadating sa puntong mahal niya ang dalawang taong iyon dahil sa tuwing lalapit siya sa dalawa ay parehas ang nararamdaman niya para sa dalawa pero hindi habang buhay parehas mo silang mahal... Syempre.. May malalamangan at dadating sa puntong may mahal at may mas mahal ka na.. Kahit sino ang piliin niya sa dalawa.. May masasaktan at masasaktan parin isa.."
"Posible ba yun?" Bulong ko habang nakatingin sa kisame. Napabuntong-hininga ako ng humupa na ang matinding sa'kin. Hinawakan ko ang sintido tsaka hinilot-hilot ito..
Sana naman hindi na sumakit ang ulo ko mamaya. Tsaka hindi ko alam kung hanggang kailan ganito ang mararamdaman ko.. At syempre.. Hindi parin mawawala sa'kin ang mga katanungan lalo na nung...
Aissh!!! Ano ba kasi pinagusapan nila ni Ericka? Akala ko ba...ako ang mahal niya na hindi niya kayang pakawalan? Pero bakit ganun nagpapayag siya magpayakap?!
Tsk!! Bwisit! Bwisit!
Naiinis na naman ako sa sarili ko! Kagabi napuyatan ako sa kakaiyak na para bang nag-cheat sa'kin.. E, hindi naman kami?! Tsaka bakit parang nagseselo---..
"What the fuck!?"
Napabangon ako nang wala sa oras. Bumaling ako sa pintuan at nakita ko ang magaling kong kapatid.
Napairap nalang ako sa kawalan.
"Watch your mouth my dear brother!" Madiin na sambit ko. Napapailing nalang siya habang nakacrossed arm sa harapan ko.
I'm sure mang-aasar na naman siy--.
"Ang panget mo pero mas pumapanget ka ngayon.." Sambit niya.
Oh see? Tama ako!?
Hindi na ako nag-dalawang isip na batuhin siya ng unan pero nasambot kaagad niya.
"Gag* ka talaga! Lumayas ka nga baka ano pa ang mabato ko sa'yo!" Inis na sambit ko. Tinawanan niya lang ako habang naglalakad paalis sa kwarto ko.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Naiinis ako! Ang sarap niya batuhin lahat ng mga gamit ko dito sa kwarto. Wala talaga siya magawa sa buhay! Hindi pa siya nagsasawa sa mga pang-aasar na ginagawa niya sa'kin?
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Teen FictionSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?