Lizzy Pov.
"Ano ba gagawin mo d'yan?''
"Malamang sasakyan.."
Napahampas ako sa noo ko. Oo alam kong sinasakyan ang bike pero ang tanong, bakit kailangan niya pa mag-rent kung may motor naman siya?
Napailing ako. "Yah.. I know pero di'ba may motor ka?"
"Yup?"
"So, bakit ba ka nag-rent ng bike?"
"Kasi nasa park tayo?."
Kumunot ang noo ko." Anong connected sa hindi paggamit ng motor?"tanong ko. Napansin ko na huminga siya ng malalim na para bang nakaka-disappointed yung tanong ko.
"Look over there.."turo niya sa may likod ko kaya sinundan ko ang tinuturo niya. Napataas ang kaliwang kilay ko ng mabasa ko ang nakalagay..
Note:
Motorcyle's are not allowed inside the park..
Napatungo nalang ako habang kagat-kagat ko ang labi ko. Dahan-dahan ako sumulyap sakanya. "He-he? Pasensya na.."nahihiyang sambit ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
Hmmm.. Tignan mo ito parang babae kung maka-irap wagas..tsk.
"Here.."
"Huh?"nagtatakang sambit ko. Napatingin ako sa bike at sakanya. Bakit niya binibigay sa'kin yung bike? T-teka.. Huwag mo sabihi--.
"Hindi ako marunong mag-bike.."nahihiyang sambit niya sabay yuko ng ulo niya. Napangiti agad ako sa sinambit niya.
Seriously? Hindi talaga siya marunong bike pero napaka-imposible naman yun noh!
"Weh? Niloloko mo lang ako.."sambit ko at hindi pinapaniwalaan ang sinabi niya. Hindi siya umimik at marahan nakipag-titigan sa'kin.
Nakaramdam ako ng awkwardness dahil sa pantitig niya. Grabe siya! Ano ba ginagawa niya? Halos magwala na yung puso dahil sa ginagawa niya!
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiwas sa mga titig niya kahit gustuhin ko man umiwas...ayaw sumunod ng katawan ko..
Huhu! Anu ba yen..
"Hey.. You're spacing out.."
Napabalik ako sa katawan tao ko ng pitikin niya ako sa noo pero teka? Nakalimutan ko mag-react..
"A-aray.."sambit ko habang hinahamplos ko ang noo ko. Tinignan ko siya ng masama..
"Tsk.. Overacting! Let's go.."sambit niya sabay bigay sa'kin ng bike. Napanguso nalang ako. Ano ba yan?! Gagawin niya talaga akong taga-pidal ngayon!
Hay naku!
"Stop that!"
"Ang alin?"inosenteng sambit ko habang nakanguso parin ako. "Like that! Stop pouting or else.."
Napataas ang kilay ko. Problema nito?
"Or else what?"mayabang na sambit ko. Nagulat ako ng bigla siya lumapit sa'kin pero mas nakakagulat nun. Hindi lang basta siya lumapit.. Nilapit pa ang mukha niya sa mukha ko.
Nasa 1 inch. ang pagitan namin dalawa kaya mas lalo nagwawala ang puso ko at mga bulate sa stomach ko. Teka paano nasama ang bulate sa nararamdaman ko?
Napalunok ako. Bahagya siya tumingin sa labi ko sabay sa tingin sa mata ko.
Gosh! Nakakaintense yan ginagawa niya!
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Teen FictionSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?