Lizzy Pov..Kaya ko...
Yan ang pumapasok sa utak ko habang patungo ako sa bahay nila Lemuel. Hindi ako makapaniwala na pinaglalaruan na naman ako at nasayang na naman ang paglimot at pag-iwas ko sakanya..
"Miss nandito na po tayo.."
Nagulantang ako kalabitin ako ni manong Driver. Napabuntong-hininga nalang ako..
Kaya mo Lizzy...kakayanin mo!
Paalala ko muli sa isip ko. "Manong bayad ho.."sambit ko sabay abot na fifty.. Wala kasi ako barya kaya sinabi ko kay manong keep the change naman kaya nagpasalamat siya.
Kinagat ko ang ibaba ng labi ko.. Pinagmasdan ko buong bahay nila..
This is it!
Nasa harap na ako ng bahay nila at hindi ko alam kung mag-dodoorbell ba ako o hindi?
"Para sa project!"sambit ko sa muli sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at tinapik ko ang sarili kong balikat upang suportahan ko man lang sarili ko.
Napakagat-labi pa ako habang aakmaing pipindutin ang doorbell nila ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila at niluwa si....
"Oh! I know you!". Masayang sambit niya habang papalapit sa kinaroroonan ko.
Napayuko nalang ako..
"Pshh, huwag ka ng mahiya. I'm really glad to see you again!"sambit niya. Huminga ako ng malalim bago ko siya tignan.
"U-hh. G-good afternoon po.."magalang na bati ko sakanya.
Kaagad sumilay ang kanyang napakalaking ngiti sa'kin. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit masaya siya na nandito ako.
"Ha-ha! Masyado ka naman pormal! Let's go inside Lizzy!"
Napanganga ako ng banggitin niya ang pangalan ko! Shucks! Naalala niya parin ang pangalan ko! Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat ko ikilos sa harapan niya kapag kasi makipagfeeling-close ako sakanya baka hindi niya magustuhan ang ikinikilos ko.
Katakot!
Natagalan ako sa pagsagot dahil sa pag-iisip sa mga bagay-bagay kaya tumungo nalang ako bilang sagot. Feeling ko tuloy pipe ako dahil hindi ko na magawang makapagsalita!
Ehhhh? Umayos ka kaya Lizzy?
Napanguso nalang ako habang nakasunod ako sa Ate ni Lemuel na si Ate Lorraine. Hindi ko maiwasan mamangha sa ganda ng katawan niya. Nakasuot kasi siya ng Blue dress na hapit-hapit sa katawan niya kung kaya'y nakikita ang hubog ng katawan niya. Grabe ang ganda niya pero teka? May boyfriend kaya siya?
"Hoy, Lemuel! Nandito na hinihintay mo!"
Suminghap ako ng biglaan bulyaw ni Ate at halos lumaki ang mata ko nang mamataan si Lemuel na nasa sala nila habang nakatingin sa'kin.
Napalunok ako. B-bakit ganyan siya m-makatingin?
Napabalikwas ako ng hawakan ni Ate Lorraine ang balikat ko.''Opps, sorry?"natatawang sambit niya. "Maiwan ko muna kayo and if magutom kayo dalawa magsabi lang kayo kila manang... Kailangan ko na umalis may meeting pa ako."sambit niya habang inaayos yung gamit niya.
"Okey fine.. Ate.. Just go.."malamig na sambit niya habang hindi parin inaalis ang pantititig niya sa'kin.
Putek! Ano ba problema niya at kanina pa siya nakatingin sa'kin?!
Kumunot ang noo niya ng mapansin niyang masama ako nakatingin sakanya pero nagsitaasan ang balihibo ko nang ngumiti siya sa'kin. K-kakaiba.
Napaiwas nalang ako.
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Teen FictionSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?