Kabanata 25: Shhhh.. I'm here

1.6K 90 25
                                    

Lizzy Pov.

"Nand'yan na siya.."

Halos sumabog na ang dibdib ko sa sinabi ni Glennie. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya kung kaya't mas minabuti ko na hindi lumingon.

Bakit? Dahil ayoko makita niya na malaking apekto sa'kin ang pag-amin na sakanya.  Naiinis ako na isipin niya na napakahina ko. Baka magkaroon siya ng pagkakataon na apihin niya dahil alam niyang  may lihim na pagtingin ako sakanya..pero alam ko naman na hindi siya ganun klaseng tao.

"Hoy.. Lizzy?!"

Bumalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Sarah sa balikat." May problema ba?"tanong niya. Napailing ako. "Wala.."walang ganang sambit ko sakanya.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko masyadong maintindihan kung anong nangyayari sa'kin. Masyadong magulo.. Naramdaman ko naman ang pagtahimik nilang tatlo kaya mas minabuti ko na ang magsalita.

"Oh? Bakit kayo tumahimik?"sambit ko. Nagkatingin naman silang tatlo bago ulit sila tumingin sa'kin. Weird?

"Ikaw nga dapat tanungin namin e.."panimula ni Laarni. Kumunot ang noo ko." Huh? Bakit naman?"tanong ko.

"E? Kasi ang weird mo.."sabi ni Glennie.

"Oo...parang may mali sa'yo na hindi namin alam.."--Sarah

"Umamin ka nga.. Bakit parang may mali sa kinilos mo kanina habang paparating si Lemuel? E.. Dati-dati naman sobrang ngiti ka kapag nand'yan na siya..."nagtatakang tanong sa'kin ni Laarni.

Natahimik ako sandali..

Tama kaya kung sabihin ko sa kanila ang nangyari this past few days?

Napatungo nalang ako. Wala naman ako magagawa kundi ang sabihin ang lahat sa kanila.

"Kase---"

Cring...cring....

Napatigil lamang ako ng tumunog na ang bell para sa Flag ceremony. Kung kaya't tumayo kaming tatlo upang pumunta sa cover court..

***********

"Nasan na ba sila?"tanong ko sa sarili ko habang inaabangan ko sila sa labas ng classroom.. Ang sabi nila Laarni, mag-ccr lang saglit? Hindi kasi ako sumama dahil ayokong pagala-gala sa campus tsaka nagugutom na akp....pero mag-30 minutes na wala parin sila. Nasan na ba talaga sila?

"Excuse me.."

Natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Halos mabingi ako sa sobrang bilos ng pagtibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang unang gagawin ko. Ang lingunin siya o tumabi sa isang tabi dahil nakaharang ako sa dinadaanan niya?

Huminga ako ng malalim at bahagya yumuko. Tumabi ako sa isang gilid at hindi ko binigyan ang sarili ko na tignan siya kahit na gustong-gusto ko makita muli ang mukha niya.

Nanatili parin ako nakayuko at lubos ang pagtataka ko na hindi parin siya dumadaan. Anong nangyari? Siya parin ba ang nasa harapan ko o hindi? Baka naman hindi ko lang napansin na dumaan na siya dahil sa hindi ko alam ang ginagawa ko kanina?

"Lizzy..."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tawagin niya ang pangalan ko. Gosh! Bakit hindi parin siya umaalis?

"Lizzy.. Tumingin ka naman sa'kin. Please?"

Sa pagkakataon iyon hindi na ako sinunod ng katawan ko at hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sakanya...kay Lemuel..

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon