First time point of view ni Lem.. Haha
Lemuel Pov.
Malungkot kong pinagmasdan siya habang hindi parin humuhupa ang paghikbi niya. Alam ko at ramdam ko kung gaano siya nasasaktan... Parehas lang kami nararamdaman..
Ang sakit..
Napabuntong-hininga ako...
Nasasaktan at nalulungkot ako dahil hindi ko na nakikita ang ngiti sa kanyang labi na siyang paborito ko sa lahat sa tuwing tinititigan ko siya. Totoong ang mga sinabi ko sakanya nang hinatid ko siya sa bahay nila.
I really like her....
Sa ngayon nagtataka lang ako kung bakit nagawa ko parin siyang magustuhan sa kabila na mahal ko pa si Hannah. Alam ko rin sa loob ng ilang linggong lumipas, mas mapalapit na silang dalawa ni Dexter..
Naniniwala naman ako na mahal ako ni Lizzy pero nakakalungkot lang isipin na.. Noon lang dahil mukhang may nakalamang nang iba kaysa sa'kin. Alam ko si Dexter iyon..
Minsan napapaisip ko... Hindi ko deserve ang pagmamahal ni Lizzy sa'kin dahil alam ko hindi ko siya magagawang mahalin at nangako ako sa sarili ko na wala akong ibang mamahalin kundi si Jhenave lang.. Tsaka si Dexter? Tsk..
Matagal ko ng alam na may gusto na talaga siya kay Lizzy. Naikwento niya sa'kin noon.. Halos nakokornihan ako sakanya sa tuwing kinikwento niya kung papaano niya nakita si Lizzy noon.. Nang malaman nga ni Dexter na may gusto sakanya si Lizzy tuwang-tuwa siya at konting-konti nalang...iisipin ko siyang bakla ang kaso, problema lang ang pagiging torpe niya.
Nang mapagtanto niya na kailangan niya aminin kay Lizzy ang nararamdaman niya e.. Siya naman eepal ng mommy niya... Hanggang sa isang araw nalaman ko naging dalawa na sila ni Ericka. Hindi ako makapaniwala sa mga oras na 'yon! Akala ko ba gusto niya si Lizzy? E, bakit ngayon naging sila na?
WTF!
Galit na galit ako noon sakanya. Napakalaking gago niya noon! Naalala ko pa nang tinanong ko siya about kay Lizzy..
"Akala ko ba gusto mo si Lizzy? E, ano 'tong nabalitaan ko bro na kayo na ng Ericka yon?"
"Wala bro narealize ko na hindi siya ng gusto ko.."
Kinuyom ko ang kamao ko ng maalala ko ang linya n'yang 'yon. Hindi ko napigilan na sugurin siya ng suntok. Hindi lang siya basta-basta torpe kundi napakalaking gago!
Pagkatapos ng araw na iyon.. Hindi ko na siya pinansin pa. Kumukulo lang ang dugo ko sa tuwing nakikita ko silang dalawa ni Ericka habang si Lizzy ay pilit ngumingiti sakanila kahit na nasasaktan na siya.
That's why I really like her..
Hindi lang basta ang ngiti niya ang nagustuhan ko kundi ang pagiging matatag niya at maparaya. Para sa'kin.. Hindi ko kayang magparaya lalo na sa taong mahal ko pero sa sitwasyon niya? Grabe! Believe ako sakanya at napagtanto ko na...
Hindi porket pinaraya mo ang isang tao ay ibig sabihin mahina ka na.. No! Its means you're brave enought to let go of the things that's not meant for you..
Kaya nang malaman ko na may gusto sa'kin si Lizzy. Mas lalo ako nahinayang at nagalit sarili ko dahil alam ko hindi ko deserve ang pagmamahal niya at kahit kailan hindi ko magagawa masuklian ang pagmamahal niya.
Tumingala ako sa kalangitan. Medyo maulap sa mga oras na ito dahil hapon na. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng paa ko dito...basta naisip ko nalang na pumunta dito...until.. I found her..
Bumaling ako sakanya ng mapansin tumigil na siya sa pag-iyak pero hindi maikakaila na namumugto ang kanyang mata at halatang galing sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Teen FictionSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?