Lemuel Pov.
Mahirap... Mahirap maipit sa sitwasyon ito pero alam ko at kahit hindi ko man aminin may kasalanan din naman ako..
Dapat hayaan ko lang sila kaya after nang Angelus. Tinalikuran ko siya. Hindi siya sa'kin.. Wala nga ako karapan sakanya. Kaya.. I need let her go... Dahil iyon ang tama..
Mahal ko si Hannah but Lizzy is really special to me... Nakapaimportante niya sakin pero nagagawa ko parin siya saktan.. Its because I'm being selfish..
Ayoko ng ganito.. Masyadong komplikado na ang lahat..
"Lemuel.. "
Tumigil ako. Nakita ko si Gwyn at iba pa namin kaibigan papunta sa direksyon ko. Tinaas ko ang kamay para makipaghigh five.
"Problema n'yo?" Matabang na tanong sakanila. Napangiti silang lahat at umiling pero nakikita ko ang takot sa mga mukha nila. "Wala naman bro pero kanina ka pa namin hinahanap.." Sabi ni Justine. Isa sa mga kabarkada ko.
"Oh, bakit nyo ako hinahanap?" Kinabahan ako bigla. Seryoso silang tumingin sa isa't-isa bago pinasadahan ng tingin. Kumunot ang noo ko.
"K-kasi.... Teka... Kinausap ka ba ni Hannah?"
Napatayo ako ng maayos. B-bakit ano kinalaman ni Hannah at hinahanap nila ako? "What about her?" Nataranta na ako habang tinitignan sila maigi..
"Pilit pa siya nakipagbalikan sa'yo?"
Naguguluhan ako sumagot sa kanila. Napalunok ako at nalasahan ko ang tabang sa lalamunan ko. Masama ang kutob ko sa posibilidad na malalaman ko sa mga oras na ito..
"Hindi--"
"Fuck! Damn! Buti naman.."
Kumunot ang noo ko. Naguguluhan ako sakanila at sobrang weird para sa'kin ang mga kinikilos nila. "Ano problema nyo sakanya at ganyan kayo makapagreact. Sabihin nyo sa'kin, ano ba nangyayari!"
Hindi ko naiwasan pagbulyawan sila dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi pa kasi nila ako diretsyuhin kung ano man ang gusto nila sabihin..
Umiinit na ang dugo ko habang tinitigan sila. Hindi pa sila umiimik sa tanong ko.. Ano ba problema nila at hindi nila magawa-gawa sabihin kung ano man ang problema nila kay Jhenave?
"Lemuel. Hannah is pregnant.." Untag ni Gwyn sa'kin. Sumulyap ako sakanya at nakita ko ang takot at kaba sa mukha niya.
Napatawa ako ng mapakla.. "H-hindi.. Are you kidding me?" Umiiling-iling ako at tinignan siyang mabuti kung nagbibig time lang siya sa'kin. Gusto ko makita sa mukha niya na joke lang ang lahat.. Pero nakalipas na ang ilang minuto hindi niya binabawi ang sinabi niya..
Kinuwelyuhan ko ng talagang hindi niya binawi ang sinambit niya.. "Hindi ko alam kung may galit ka sa'kin pero Tangina naman bro.. Mahal ko ang babaeng tinutukoy mo!!" Sinigawan ko siya. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man kami ng maraming tao!
"I was telling the truth! Kaya sinubukan niya makipagbalikan sayo para gamitin ka dahil hindi siya magawang panagutan nung lalaking nakapabuntis sakanya."
Nabitawan ko siya. Natigilan ako at parang hindi kaya tanggapin ang sistema ko ang mga nalaman ko. Nakatulala lang ako. Para akong nabuhusan ng malamig na yelo dahil hindi ko magawang makapagreact. Blanko ang isip ko at di ko na nagawang sumbatan na hindi iyon totoo..
Ang sakit!
But WTF! Kung sakaling totoo ang lahat.. Paano na ako? Mahal ko siya pero... Shit! Paano ko tatanggapin ang bagay na iyon? Wala na ba akong babalikan o akuin ko nalang lahat kahit hindi naman ako nakabuntis sakanya?
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Novela JuvenilSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?