kabanata 21: Nakakagulat na supresa.

1.7K 66 2
                                    

Lizzy Pov.

Huminga ako ng malalim bago ko ulit tignan ang sarili ko sa salamin.

"Okey naman siguro suot ko ngayon?"tanong ko sa sarili ko.

Napatungo nalang ako bago ko ngitian ang sarili ko. Balak ko sana mag-bistida ang kaso naalala ko pala nga pala mag-drive ako kaya simpleng pantalon at off-shoulder nalang ang sinuot ko.

Ding-dong... Ding-dong.

"Sino naman yun?"sambit ko. Mag-isa lang ako sa bahay dahil umalis si Lola para magsimba at ang magaling kong kapatid? Hayun! Nakikipagdate na..

Tsaka ngayon ang kaarawan ni Crush or ni Love! Whiee.. Excited na ako! Balak ko sana pumunta sa bahay nila para yayain siya lumabas! Ang kapal ng mukha ko noh?

"Teka lang!"bulyaw ko ng marinig ko ulit nag-doorbell kung sino'man ang taong iyon.
Huminga ako ng malalim bago ako dali-dali nagtungo sa pintuan ko at laking gulat  ko ng makita ko ang taong iyon.

"L-lemuel?"kinakabahan na sambit ko. Bahagya siya ngumiti sa'kin kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gosh! Ang gwapo niya!

"Anong ginagawa mo---este buti nandito ka!"natutuwang na sambit ko. Gustong-gusto ko sana siya yakapin ngunit nahihiya ako! Haisst! Ang landi ko!

Napansin ko ang pagsuri niya sa buong katawan ko kaya nakaramdam ako ng kahihiyan.. Grabe ba naman kasi siya kung makatingin..

"Okey ka lang? Ayos na ba pakiramdam mo? Wala ka na bang nararamdaman na kakaiba?"

Nagulat ako ng sunod-sunod siya magtanong sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng kaligayahan dahil sobra siya nag-alala sa'kin. "Okey lang naman--"

"Patawad.. Kung nagpaalam lang ako o kung hindi sana kita iniwan nung gabing iyon, hindi ka sana mapapahamak ng dahil sa'kin.. Patawad... Lizzy.. I'm really sorry.."paumanhin niya pero nagulat nalang ako ng may tumulong luha mula sa mata niya.

Shucks?! Ganito na ba nagagawa ng pagiging broken hearted  sa isang tao? Nagiging maiyakin na?

Napabuntong-hininga ako. Oo.. Aaminin ko nakaramdam ako ng guilty ng hindi niya magawang magpaalam sa'kin pero kahit kailan hindi sumanggi sa isip ko na sisihin siya dahil sa nangyari sa'kin. Naiintidihan ko naman na mas higit na kailangan siya ng babaeng mahal niya kaysa sa'kin..

Tsaka ano ba niya ako upang ako ang piliin niya?

"Huwag ka humingi ng tawad.. Hindi naman natin alam na mangyayari ang bagay na iyon tsaka naiintindihan naman kita kaya ngumiti kana. Kalalaking mong tao umiiyak ka!"biro ko sakanya. Nakita ko naman ang pagmumula niya dahil mukhang nahiya siya..

"Tara na nga!"sambit ko sabay hila sakanya papunta sa garahe. Pagkarating ko sa garahe ay agad ako sumakay sa motor ng kapatid ko. Naiwan niya kasi kaya nagawa kong hiramin sakanya.

"Saan tayo pupunta?"tanong niya. Napangiti naman ako." Basta sumakay ka nalang!"sambit ko.

"Huh!? Kaya mo bang patakbuhin yan?"bakas sa boses niya ang pagtataka. Nakalimutan ko nga pala.. Hindi niya pa ko nakikitang magpaandar ng motor. Last year kasi nagpaturo ako sa kapatid ko magpaandar ng motor kaya mga ilang araw kaya ko na paandarin..

"Haiist! Oo alam ko! Dali sakay na!"sambit ko. May ilang segundo din bago siya sumakay kaya agad ko ini-start ang motor.

"Talaga bang alam mo patakbuhin? Kung gusto mo ako nalang ang magpatakbo?"

"No! Ako na! I can manage.. Tsaka birthday mo kaya ako na bahala sa lahat okey?"sambit ko. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya kaya napangisi ako.

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon