Lizzy Pov."Okey.. You may go now to your groumates."
Tumayo kami nila Laarni, Sarah at Glennie para pumunta sa mga groupmates namin. Napabuntong-hininga ako habang patungo ako sa pwesto ni Lemuel. Oo magka-group kami and siya rin ang Leader namin.
Sa dinami-dami ng magiging groupmates ko bakit siya pa? Grabe choosy ko masyado ano? Eh sila Sarah nga hindi sila nagrereklamo dahil ka-groupmates nila yung mga crush nila, samantalang ako.. Hay nako!
"Lizzy, ano tinatayo-tayo mo dyan?"
"Huh?"
Nagulat ako ng sitahin ako ng mga magaling kong classmate. Napairap nalang ako and I no choice kundi umupo sa tabi ni Lemuel dahil walang available na upuan kundi sa tabi lang ni Lemuel! Kainis.. Bakit kasi pinaglalaruan ako ng tadhana?
Huminga ako ng malalim at dahan-dahan ako sumulyap sa gilid ko kung nasan siya. Kumunot ang noo ko ng makitang pinipilit niyang magsulat kahit napapapikit na siya and guess what namumutla siya! Hindi ko tuloy maiwasan mag-alala sakanya.. Ano ba kasi nangyayari sakanya at kanina pa siyang umaga ganyan?
"Lemuel may problema ba?"
Sumulyap siya sa'kin at tinignan ako ng diretsyo sa mata ko. My heart beating so fast.
Yung tingin niya.
Napalunok ako ng maraming beses hanggang sa hindi ko inaasahan na sumunod na nangyari..
"L-lemuel?"
Napakagat ako ng labi dahil sobrang awkward ang posisyon namin. Napapikit ako ng mariin dahil hindi ko alam ang gagawin.. Hindi ko naman akalain na babagsak siya sa'kin at napasandal ang ulo niya sa balikat ko.. Shucks baka naman nawalan siya ng malay kaya napasandal siya? Ang assuming ko naman kung yayakapin niya ako bigla ,ano?
"L-lemuel okey ka lang ba?"sambit ko. Sinubukan ko siya tapik-tapikin sa balikat niya ngunit hindi siya umiimik. Grabe nag-alala sa kanya! "Lemuel ano ba nangyayari sayo!?"
"H-hin..hindi k-ko n-na k-kay...a.."narinig kong pautal-utal kong sambit niya. Dahan-dahan ko siya inangat at pinasandal muna sa upuan niya. Napahugot ako ng hininga ng maalis na siya sa pagkakasandal sa balikat ko.. Whoo.. Grabe sobrang awkward nun!
Bumalik ako sa reyalidad ng mapasub-sob siya sa desk niya. Kahit hindi ko alam kung ano ba talaga dahilan kung bakit siya nagkakaganyan ay mas pinili ko parin kapain ang noo niya.
Napahampas ako ng noo dahil ngayon ko lang na-realize na may lagnat siya..
"Kanina pa ba masama pakiramdam mo?"tanong ko. Gumalaw siya bahagya. "O-oo p-pasensya n.ma s..a nangya--"
Pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil talagang nag-alala na ako sakanya ng sobra-sobra.. " Halika sasamahan kita sa clinic?"sambit ko.. Inangat niya ang ulo niya upang tignan ako. Ngumiti siya ng bahagya at umiling..
"Hindi na kailanga--"
"No.."madiin na tutol ko sakanya. Tumayo ako upang maagaw ko ang atensyon ko ng lahat ng classmate ko at ang teacher ko. I don't care kung nakakahiya ang ginagawa ko ngayon..
"Any problem Ms. Lopez?"
"Sir, Lemuel is not feeling well.. So can I assist him para pumunta sa clinic?"
Tumingin si Sir ng bahagya sa pwesto ni Lemuel at tumungo siya ng makita niya ang kondisyon ni Lemuel.. "Yes, you can...". Ngumiti ako kay Sir at hinarap ko si Lemuel. Tinignan niya lamang ako at tumayo siya pero napatigil siya ng makaramdam ng hilo kaya wala ako nagawa kundi alalayan siya.
Habang papalabas ako sa classroom hindi nakalusot sa pandinig ko ang mga sinabi ng magaling kong kaibigan..
"Pumaparaan si Lizzy ah.."
"Oo.. Haha "
"Improvement .."
"Dapat hindi ka na sumama sa pagpunta sa clinic.. Kaya ko naman eh.."
Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Tumingin na lamang siya ng may halong pagtataka kaya nginitian ko siya. "Ano ka ba! Para naman makatakas ako sa activity natin. Tsaka mahirap ng walang Leader . haha"
Tumawa siya bahagya at napailing. "Hindi ko inaasahan na ganyan ka pala.."natatawang sambit niya bago kami ulit nagpatuloy magtungo sa clinic.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan mapa-isip. Hindi ko inaasahan na mag-kakalapit kami sa ganitong sitwasyon. Nakakatuwa lang dahil pangarap ko ito dati.. Aalalayan siya kapag may sakit siya.. Makakausap, magtatawanan at higit sa lahat ay nakakapit ako sa braso niya. Gosh, para akong prinsesa at siya ang prinsipe.. Grabe, kinikilig ako...
"Lizzy, sabi ko nandito na tayo?!"
"Huh,? Bakit prinsipe k--ayy este Lemuel may problema ba?"
"Wala.. Mukhang ikaw pa ang may problema. Kanina ko po sinasabi na nandito na tayo pero parang may iniisip ka."
Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa braso niya tsaka umiling.." Ako may iniisip? Naku,wala.."pagtatanggol ko sa sarili ko. Shucks.. Sana naman maniwala siya sa palusot ko! Hindi ko naman akailan na mahuhuli niya ako nakatunganga and guess what? Muntik ko pa mabulalas ang word na prinsipe. Hay naku! Ayoko mabuking!
"Ah okey... Sige bumalik ka na sa classroom tutal naihatid mo na ako dito.. "
"Ah.. Sigurado ka ba'ng okey ka na?"
Tumungo lang siya sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasan ngumiti sakanya. "Oo naman.. Sobra naman kapal ng mukha ko kung pag-stay pa kita dito sa clinic.. Kaya salamat sa paghatid mo dito sa'kin.."
"Welcome.."dahil handa naman ako tulungan ka sa lahat ng oras.. Gusto ko sana idugton sa sasabihin ko pero syempre ayoko mabuking ano!
Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok na siya sa clinic. Kaya napagdesisyon ko na bumalik sa classroom at habang pabalik ako... Hindi ko maiwasan maalala ang mga nangyari kanina at ngayon ko lang naramdaman ang kilig.
"Tignan mo Sarah parang baliw si Lizzy!? Nakangiti habang naglalakad.. Haha.. "Bulyaw ni Glennie ng makita niya ako. "Yah, hindi siya marunong magtago ng kilig.."dagdag naman ni Sarah.. Napailing nalang ako habang patungo ako sa upuan ko.
"Eh, paano nakasama at nakausap niya si Lemuel na saglit na oras kaya ganyan kalaki ang ngiti niya..''
Nagtawanan lamang sila kaya hindi ko maiwasan makisabay sa tawanan nila..
Putek.. Kahit ako mismo hindi ko inaasahan na makakasama at makakausap ko siya sa ganuong paraasn kaya lubos ako nagpapasalamat dahil binigyan ako ng pagkakataon na mangyari ang nangyari kanina .. Pero may part sa'kin na nag-alala..
Kaya sana maging maayos na ang pakiramdam niya..
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Teen FictionSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?