Lizzy pov'' Hoy lizzy nakikinig ka ba?"
Nagulat ako ng magsalita si Laarni sa taenga ko. Ano ba problema niya? Nakikitang may iniisip lang yung tao eh.
"Napapansin ko lang Lizzy kanina ka pa nakatunganga diyan .." Sambit niya. Nakatitig lang ako sakanya pero napalunok ako ng ngumiti siya ng nakakaloko sa'kin. " Teka lang.. Parang alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan.."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.. Huwag mo sabihin...
"Lemue---"
Agad ko tinakip ang bibig niya ng binanggit niya ang pangalan na yun.." Ano ba problema mo Laarni ! Gusto mo yata ako ipahamak eh-"
" Ewan ko sa'yo Lizzy. Obvious naman si Lemuel ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan!"
Napailing nalang ako habang nakacrossed- arm. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit may kaibigan akong abnormal. Alam naman niya na classmate namin yung lalaking yun. Tatawagin pa. Pasaway!!
"Hoy nandito na siya.."
Napaayos ako ng upo bago ako tumingin sa pintuan. Hindi ko mapigilan mapanganga dahil grabe ang gwapo niya! Napalunok ako ng maraming beses ng magtama ang paningin namin. Sa mga oras na iyon nakaramdam ako ng kakaiba. Feeling ko tuloy lumulutang ako sa langit.. Whieee..
"Lizzy tama na .. Tulo na laway mo oh."
Napasinghap ako ng sabihin iyon ni Laarni.'' Alam mo Laarni kahit kailan talaga panira ka ng moment!"sambit ko.
Binigyan ko siya ng isang malupit na irap tsaka tinuon ang atensyon ko sa lalaking gusto ko ..
Gosh, feeling ko inlove na ako sakanya deeply! Pinagmamasdan ko lang siya habang nilalabas niya yung gitara niya.. Maya- maya lang narinig ko siya ng patugtog ng gitara niya.
Teka lang bakit may mali? Bakit pakiramdam ko may mali sakanya? Napatitig ako sa maganda niyang mata. Nakaramdam ako ng lungkot ng makitang ang kalungkutan sa mga mata niya.
"Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa?
Bakit, bakit ba sa akin ba'y nagsawa na?
Sinusunod naman kita kahit ano kinakaya ..
Wala parin kwenta , bakit ba?"
Grabe walang kupas ang ganda parin ng boses niya pero teka, bakit ganun? Bakit parang may meron kakaiba sa kanta niya. Nag-away ba sila ng girlfriend niya kaya ganyan nalang ang kanta niya? Masyadong kasing may pinaghuhugutan..
"Yung mata mo ..."
Sa pangawalang pagkakataon napairap nalang ako kay Laarni. Napabuntong hininga nalang ako tsaka ako umupo ng maayos.''Laarni may kakaiba sa pagkanta niya.." Sambit ko habang iniisip ko ang way ng pagkanta niya." Ang alin Lizzy ? Yung kalungkutan sa mata niya?"
Napasulyap ako kay Laarni tsaka tumungo bilang sagot sakanya.."Oo, napansin mo rin yun?"
"Yup,obviously naman may iniisip siya .."
"Ano naman yun?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Napailing nalang si Laarni bago siya tumayo pero bago man siya makaalis may sinabi siya sa'kin.." You know what Lizzy kung ako sa'yo huwag mo ng alamin dahil masasaktan ka lang.."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Laarni. Huwag ko ng alamin dahil masasaktan lang ako pero bakit naman ? Tanggap ko naman na may girlfriend na siya pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako nasasaktan kapag nakikita ko sila magkasama..
Sa pangalawang pagkakataon, tumingin ako sa likod upang makita ko siya. Sa ngayon, tahimik na siyang nakikipag-usap sa mga ugok namin classmate. Napangiti nalang ako ng mapakla. Always nalang ganito ang set-up ko kapag may nagugustuhan akong tao.
Sabihin na natin.. Palihim akong nagmamahal..
**********
"Okey class dismiss."
Napabuntong-hininga nalang ako. Grabe sila ! First week palang ng pasukan klase na agad.. Hindi ba pwedeng magprepare muna bago lesson ?
"Hoy Lizzy! Tunganga pa more! Kung naglilinis ka kaya diyan at hindi yung tutunganga ka pa diyan!!"
"Oo na Glennie ! Huwag mo naman ipagmukha sa'kin na wala ako silbe dahil ang sakit- sakit lan--- OUCH!!"
Napahawak ako sa ulo ko.. Grabe nage-emote palang ako! Nang batok agad? "Over ka Laarni ! Nakakailan ka na.. Ang sakit na nga ng puso ko babatukan--- ARAY ANO BA?!"
''Isa pa Lizzy ! Hindi lang batok ang gagawin ko sa'yo!"
"Eh kung hindi batok , ano?"
Ngumiti ng nakakaloko si Laarni kaya nakaramdam ako ng takot dahil mukhang alam ko na hindi lang ano kundi sino..
"Lemu---''
" Hay naku! Laarni konting-konti nalang tatawagin ko na si Ex baboy mo!''
Napatawa ako ng magbago ang itsura ni Laarni basta about sa lahat ng ex niya tumatahik siya bigla-bigla .." So ikaw ngayon ang tahimik diyan!'' Sambit ko.. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatawa dahil sa pagbusangot ng mukha ni Laarni ..
"Hoy Lizzy yung tawa mo.."
Natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Gosh sa dinami-dami na magsisita sa'kin bakit siya pa? Kainis naman oh!
"Oh ano ka ngayon Lizzy ? Ikaw naman ngayon ang tikop diyan? "
Kumunot ang noo ko kay Laarni na siya naman ang tumawa ng malakas. Napailing nalang ako tsaka siya iniirapan .. Hayys kahit kailan wala akong matinong kaibigan. Napasulyap ako sa kanya na kasulukuyan nagstrum ng gitara niya. Kaya pala gusto niya ng katahimikan dahil nagmo-moment sila ng gitara niya..
Napabuntong-hininga nalang ako ." Sana ako nalang yan hawak-hawak mong gitara para kahit papaano na feel ko naman ang pagmamahal mo .." Bulong ko sa sarili ko ..
''Yays narinig ko yun ! Hahaha bumabanat ka ng palihim huh , Lizzy?!"
"Tsk, Shut up Laarni!"
Tinuon ko nalang ng pansin ang pagwawalis ko para makauwi na agad ako dahil gustong-gusto ko na magstalk ng facebook ni Crush..hihi.
Pagkatapos ko maglinis nauna na ako lumabas ng classroom dahil ayoko makasabay si Laarni.. Alam ko naman na kukulitin niya lang ako ..
"Aray.."
Napadaing ako sa sakit ng mapaupo ako sa sahig.. Grabe sino ba yung bumangga sa'kin!? Sakit tuloy ng pwet ko! Napakagat ako ng labi habang hinihimas-himas ko yung pwet ko. Grabe yata ang pagkabagsak ko sa sahig ang tigas naman kasi ng katawan nabangga ko ..
Nagulat ako ng may kamay nakalahad sa harapan ko kahit hindi ko pa nakikita ang taong nakabangga sa'kin. Naramdam ako ang spark na sinasabi nila ng mahawakan ko ang kamay ng nakabangga sa'kin. Gosh, ano na naman nangyayari sa'kin?
Nababaliw na naman ako .. Oo baliw na baliw kay Crush.. Wieee..
Nang binatawan na niya ang kamay ko nagulat ako ng pamilyar sa'kin ang boses niya..
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.."
Napatitig ako sa taong nakabangga sa'kin. Ang tagal na ng matitigan ko siya ng malapitan. Hindi ko sinasadya mapahawak sa dibdib ko. Bakit ganito parin yung nararamdaman ko sa tuwing napapalapit ako sakanya.
Napalunok ako ng ngitian niya ako bago siya umalis sa harapan ko. Ang ngiting iyon.. Ang mala-killer smile ang dating.
Bakit parang ...
Namiss ko yata?
Ang mala-killer smile ni ...
Ex Crush?
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Ficção AdolescenteSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?