Lizzy Pov..
Kumunot ang noo ko habang nakatitig ako kay Dexter. Ano ba ginagawa niya dito?
"Bakit ba umiiyak ka na naman?"tanong niya. Hindi ako nakaimik dahil naaalala ko na naman nangyari kanina. Bakit ba napaka-hina ko? Bakit ba hinahayaan ko lang sarili ko na umiyak sa harapan ng taong ito?
"Ohh?"narinig kong sambit niya. Muli ko siya tinignan at kumunot ang noo ko ng makitang inaabot niya ang panyo sa'kin.
"Hindi--"
"Tsk"bulalas niya sabay higit ng kamay ko at nilapag du'on ang skyblue niyang panyo. Napatitig ako du'on. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyon tanggapin o hindi?
May ilang segundo ko rin tinitigan iyon bago ko ipunas sa basa kong pisngi. Napabuntong-hininga ako pagkatapos ko punasan ang pisngi ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba ako sakanya dahil pinahiram niya na naman ako ng panyo niya o dahil nakikita niya na naman ako umiiyak for second time.
Napayuko ako..
Maya-maya napasinghap ako ng higitin niya ako palabas na halos hindi na ako nakaimik.
"Come with me.."
Natigilan ko ng marinig ko ang sinabi niya. Halos magpahila nalang ako sakanya dahil hindi ko alam ang dapat na gagawin. The next I knew nasa parking lot na kami.
"Take this.."
"Huh?"bulalas ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya inaabot sa'kin ang helmet niya.
Nakakunot ang noo ko habang nakatitig du'on. "Psh.."narinig kong tugon niya at nagulat nalang ako ng siya na mismo ang naglagay sa'kin ng helmet..
"Sa-saan tayo p-pupunta?"nauutal na sambit ko. Mukhang natigilan siya aa tanong ko dahil nakatitig na siya sa'kin. Napalunok ako ng maraming beses.
"Sa lugar kung saan mapapa-isip ka kung dapat ba talaga iyakan ang mga taong hindi ka pinapahalagahan..."
Sa pangalawang pagkakataon natigilan ako parang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Nakatitig lamang ako sakanya habang naglalagay din siya ng helmet niya.
Lubos talaga ako nagtataka kung bakit ganito ang pinapakita sa'kin ni Dexter ngayon? May nakain ba siya kaya ganito ang pinapakita niya sa'kin?
Pakiramdam ko may nagbago sakanya ng hindi ko lubos maintindihan..
"Sakay..."matabang na sambit niya. Napanganga nalang ako habang nakatitig sakanya. Seriously? Isasakay niya ako sa motor niya?
"Ano pa titingin-tingin mo dyan! Sumakay ka na!"
Nataranta nalang ako ng sigawan niya ako. Nagkamali pala ako.. Walang nagbago sakanya kasi hanggang ngayon masungit parin siya.. Nahinga nalang ako ng malalim bago ako sumakay sa motor niya..
"Kumapit ka ng maigi. Huwag kang bibitaw.."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bumalik ako sa reyalidad ng biritan niya ng mabilis ang pagpapatakbo ng motor kaya napakapit ako ng maigi sa beywang niya.
Napapapikit nalang ako dahil hindi ako sanay ng ganito. Oo,nakakasakay ako sa motor ng magaling kong kapatid pero hindi ganito kabilis! Parang anytime mamatay na ako dahil sa sobrang bilis niya mag-drive!
Hay lord huwag nyo pa sana ako kunin! Please!
Sa bawat hampas sa'kin ng hangin, gumagaan ang pakiramdam ko. Kaya unti-unti ko minulat ang mata ko at napanganga nalang ako sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Novela JuvenilSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?