Lizzy Pov.Nakatingala ako sa langit habang ninanam-nam ang sariwang simoy ng hangin. Nandito sa green house. Mag-isa. Hindi dahil ayoko kasama ang mga kaibigan ko kundi dahil gusto ko mapag-isa.
Ilang araw na ganito... Ilang araw na ako hindi tinitigilan ng nararamdaman ko para kay Lemuel at Dexter. Gulong-gulo parin ako na para bang gusto ko na sumabog dahil sa sobrang raming katanungan sa utak ko?
Gosh!? Kailan ba matatapos ito?
Natigilan ako at napahawak sa sentido ng bigla itong kumirot pero kaagad din nawala. Isa din ito.. Napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko.. Pesteng mindgraine to!
"Lizzy, bakit mag-isa ka lang?"
Napalingon ako sa pinang-galingan ng boses. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Lemuel. Nang mga nakaraang araw, napapadalas na kaming magkasama ni Lemuel..
Sa totoo lang hindi ko gusto ang nangyayari pero ano magagawa ko? Siya na mismo ang unang lumalapit sa'kin.
Nakangiti ako sakanya habang papalapit siya sa'kin at pilit ko tinatago ang mga tanong na bumabagabag sa'kin ngayon..
Umupo siya sa tabi ko at tulad ko kanina ay dinama niya rin ang sariwang hangin na humahaplos sa katawan naming dalawa.
Masarap sa pakiramdam habang dinadama namin ang sariwang hangin..
"Uhm.."
Napasulyap ako sa gawi niya ng bigla siya umimik.." Uhmm.. Bakit ka na naman mag-isa?" tanong niya. Napayuko ako." Gusto ko ulit mapag-isa.." Sambit ko.
"Again?" Aniya.
Napangisi ako tsaka tumungo. Sandali siya nanahimik bago ko narinig ang mabibigat niyang buntong-hininga. "N-nalilito ka ba? O n-aguguluhan?" Sambit niya pagkatapos ang sandaling katahimikan..
Nag angat ako ng tingin sakanya. Hindi siya nakatingin sa'kin pero kahit na ganoon.. Alam ko at ramdam niya nakatingin ako sakanya.
Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naging tanong niya sa'kin. Gusto ko sana tanungin siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero naunahan niya ako.
"Naguguluhan ka ba para sa nararamdaman mo sa amin dalawa, Lizzy?" Tanong niya at sa pagkakataon ito ay tumingin na siya sa'kin. Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sakanya.
Naguguluhan ako kung tama bang sabihin sakanya ang totoo pero...
Umiwas ako at napayuko muli.. "Oo.." Bigkas ko habang nakatingin sa baba. Hindi ko kayang makipagpalitan ng tingin sa kanya.
"Alam mo tama siya... Naiintindihan ko na kung bakit ka niya nagustuhan at ganun din ang dahilan kung bakit kita nagustuhan.." Aniya.
Kumabog ang puso ko ng nagsalita ulit siya. Kahit hindi ko sabihin.. Alam ko kung sino tinutukoy niya pero kahit ganun.. Hindi ko parin siya kayang tignan kahit na titig na titig siya sa'kin..
Naiilang ako sa titig niya pero gusto ko marinig ang susunod niyang sasabihin..
"Tama siya.. You are beautiful inside and out, Lizzy... Hindi ikaw ang tipo ng babae na nakikipagplastikan sa iba.. Kung makitungo ko sa ibang tao, totoo ang pinapakita mong pakisama sakanila. I knew it! How He loves you.. Yon ngiti mo, Lizzy.. Yang ngiti mo.." Tumigil siya at sa pagkakataon ito..
Hindi ko na napigilan kundi makipagbalikan ng titigan sakanya. Nakita ko ang lungkot sakanya mata na ngayon ko lang ulit nakita. Kumirot ang puso ko habang pinagmamasdan siya..
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Fiksi RemajaSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?