Lizzy Pov.
Tinatamad kong inaayos ang lahat ng gamit ko. Uwian na pero hanggang ngayon hindi parin ako pinupuntahan o pinapansin ni Dexter.
Ilang araw na din ako hina-hunting ng mga sinabi sa'kin ni Lemuel. Naguguluhan parin ako. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa? Dahil sa wakas nagustuhan niya rin ako but hindi ibig sabihin 'nun mahal niya ako.
Ayoko mag-assume..kasi magkaiba parin ang gusto sa mahal pero kahit sa ganun sitwasyon.. Naguguluhan parin ako.
Hindi ko siya magawang iwasan dahil siya na mismo lumalapit sa'kin na para bang walang nangyari?
"Lizzy?"
Suminghap ako ng marinig ko ang boses niya sa likod ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung dahil ba ito sa biglaan niyang sulpot sa likod ko o sadyang eto na ang nararamdaman ko kapag nandyan siya?
Hay.. Ewan.. Ang gulo..
Kinakabahan ako nang lingunin ko siya. Tumikhim ako saglit.
''B-bakit?"naiiling na tugon ko.Nginitian niya ako." Uuwi ka na ba? Tara hatid na kita..". Aniya. Hindi ko maikakaila na nagulat ako sa offer niya. Eto ang unang pagkakataon na niyaya niya ako ihatid ng walang dahilan.
Umiling ako." H-huwag na.. Ayokong istorbuhin kita dahil lang sa ihahatid mo ako.. Tsaka baka hinihintay narin ako ng kapatid ko sa labas.."paumanhin ko.
"Ow.. Sayang naman.."bulong niya pero sapat na yung ginamit niyang boses para marinig ko ang sinabi niya.
Uminit ang pisngi ko..
"Sige.. Sana next time nalang, okey lang ba?"tanong niya. Tumungo ako at bahagyang yumuko.. Ayoko makita niya na namumula ang pisngi ko.
"Sige hatid nalang kita dyan sa harap ng simbahan.."
Tumungo nalang ulit ako at hindi ko muling nagawa magsalita. Kaagad ko kinuha ang gamit ko at sabay kami lumabas sa classroom.
May ilan-ilan napapatingin sa amin direksyon kaya nahihiya akong yumuko.
May part sa'kin na natatakot.
Paano kung makita ako ni Dexter na kasama si Lemuel? Magagalit kaya siya?
Paano rin kung makita kami ni Hannah na magkasama ni Lemuel? Alam ko mahal niya pa si Lemuel kahit ilan beses na niyang pinagtabuyan dahil alam ko may dahilan siya kung bakit niya iyon ginagawa at sigurado akong sasabunutan ako 'nun.
Napabuntong-hininga ako.
"Nandito na tayo.."
Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita na siya. Lumingon ako sakanya. Nakatigil na siya at nakatingin sa'kin na para bang kanina niya pa ako tinitignan.. O baka assuming lang ako.
Kumunot ang noo niya. " May problema ba Lizzy?"tanong niya. Umiling ako." W-wala.. Medyo pagod lang ako.. Sige na mauna ka na hihintayin ko nalang yung kapatid ko dito.."sambit ko..
"Sigurado ka?"tanong niya muli. Tumungo nalang ako. Saglit niya ako tinignan bago ngumiti sa'kin.
"Sige Lizzy.. Ingat ka.. See you tomorrow."bigkas niya. Nagulat ako ng kurutin niya ang pisngi ko bago sambitiin ang... "Ang ganda mo."
Hindi ko naiwasan ngumiti habang sinusundan siya ng tingin. Napailing nalang ako. Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong may sariling mundo hanggang sa may nakuha ng atensyon ko.
Nakatingin siya sa pwesto ko. Walang bahid ng emosyon ang mata niyang nakatitig sa'kin na para bang may madilim na nakabalot sa paligid niya habang nakatayo sa tabi ng mangga.
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Novela JuvenilSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?