1

18.3K 261 44
                                    





Linggo ng tanghali, mula sa talyer, umuwi ako para maglunch sa bahay. Pagdating ko, as usual, hinihintay ako ni Glaiza para sabay kaming kumain. Pag pasok ko ng bahay, nakaupo sya sa sala kasama si Nadine. Sa gitna nila, ang baby namin na mahimbing na natutulog.

"oh, ayan na si yoyon. kumain na kayo. ako muna dito." sabi ni ate pag pasok ko ng pinto.

"hi lab." bati naman sa kin ni glaiza at lumapit pa ito sa kin para humalik sa lips.

nilapitan ko si jewel at hihimasin ko sana ang paa nito ng tabigin ni nadz ang kamay ko.

"naghugas ka bang mabuti ng kamay mo?" ang epal talaga nito.

"ayan oh, kahit dilaan mo." sagot ko naman sa kanya habang winawagayway ang kamay ko sa mukha nya.

"yuck yon! dun ka na nga."

"tama na yan, lab. tara na." yaya ni glaiza habang naghahain ng pagkain sa lamesa.

humalik pa ko sa ulo ni jewel bago tuluyang umupo sa hapag kainan katabi ni lab.

.

"simba tayo mamaya, lab?" tanong ni glaiza habang kumakain.

"dami kong tanggap, lab. sundo ko na lang kayo."

"sasama ko si baby."

"wag mo munang nilalabas ng nilalabas, lab. wala pang binyag yan."

"simbahan naman yun. tsaka papa schedule ko na nga rin binyag nya. kailan mo gusto?"

"ikaw bahala."

"pano pala pagpasok ko bukas?"

"anong papano?"

"sinong magaalaga sa kanya?"

"ako. dun kami sa talyer."

"parang ayoko nang pumasok."

"ang ganda namang ng gising ng baby namin! tita ninang agad nakita! hello...." bulalas ni nadz sa sofa habang nakatingin sa baby.

"sis, buhatin ko ha." paalam pa nya kay glaiza. at tinanguan naman sya nito.

"dahan dahan ate ha." sagot ko.

"OA mo, yon! grabeng OA ni dada, baby noh? achu chu.. achu chu.." paglalaro nito sa anak ko.

.

"kailangan ko pala bumili ng car seat, lab. punta tayong mall pagkasundo ko sa inyo galing simbahan."

"iwan mo na lang sya dito bukas kay mommy or kila nanay sa tapat lab."

"sa loob naman kami ng auto shop, lab. hindi dun sa garahe."

"eh mausok."

"hindi ah. sarado naman ung salamin."

"tsk. ano ba yan."

"akong bahala, ano ka ba."

"tsaka na lang. oh diba sabi mo wag muna masyadong ilabas kasi wala pang binyag. sige na kasi. iwan mo muna sya pag pumasok ka sa talyer bukas."

"gising?" tanong naman ni mommy na galing sa tindahan habang papalapit kay ate at jewel.

"ang ganda ganda naman ng apo ko!"

"glaiza, amina yung uniform mo, ako na magpaplantsa."

"ay! ako na lang po mamaya, my." sagot naman ni lab.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon