34

4.8K 175 32
                                    




           

"ang gulo nyo!" sabi ko.

"baka hindi pa sila nagkakaintindihan, tol. pinangungunahan mo eh!" banat ni sam.

"ahahahaha!" dalawa lang kami ni sam ang tumawa. ay tsaka si jewel pala. pumalakpak pa nga eh.

"yehey dada!" bilib na bilib talaga 'tong anak ko sa 'kin. kahit hindi nya naiintindihan, nakikitawa.

napansin ko namang unti-unting humiwalay ang kamay ni batchi kay ate. parang si ate pa yung humabol. hindi inaalis yung kamay nya kay batch.

palipat lipat sya ng tingin sa akin at kay batchi. tapos kay glaiza.

"ah... san.. saan mo inorder yung cake, bes?" sabi naman nitong asawa ko. pero ang sama ng tingin sa akin.

"sa may..." sasagot na sana si ate.

"oh pre, dahan-dahan. may lakad ka ba?" tanong ko kay batchi. ini-straight ba naman yung isang stallion.

"bok..." mahinang tawag ni ate sa kanya. hindi naman sya pinapansin. anong bok? kanina ko pa yan naririnig.

"ahh... thank you." nilapag na ni batchi yung bote sa mesa.

"isa pa?" tanong ko.

"sa susunod na lang siguro. salamat ha." kumamay pa sa'kin.

"maaga pa." sabi ni sam.

"may pasok pa bukas eh. next time." nakipag apir naman kay sam.

"sige pre, ingat."

"miss g, uwi na ko, thank you." tinanguan naman sya ni glaiza.

nagpaalam din kay mommy sa tindahan. kasunod nya si ate, hahatid sya sa labas.

.

"ang daldal mo!" malakas na bulong ni glaiza. may gigil pa, hindi naghihiwalay yung ipin.

"eh tinanong ko lang naman ah."

"oo nga! kasalanan ba namin na magkaiba sila ng sagot." buti na lang andito si sam.

"baka hindi nagkopyahan."

"buti pa tayo tol noh? naalala mo?"

"ahahahaha!"

"gago ka! pati pangalan ko kinopya mo!" sabi ko kay sam.

"nagpakopya ka naman! eh ang score mo 2 over 10!"

"imbes isang beses lang ako bagsak non, dalawa tuloy!"

"ulol!"

"ahahahaha!"

mas matanda 'to sa kin si sam pero ka batch ko. naging kaklase din nya sila ate. tamad kasi kaya laging bumabagsak. tsaka adik to non sa bilyar. nung naging magka-klase kami, sa tamia kami na adik. yung mga maliliit ng toy cars na bubuoin mo tapos ipang kakarera. tapos nahuli ako ni daddy nagyoyosi, may cancer na sya non eh, tinapakan yung toolbox ko na puro parts ng tamia. halos maguho ang mundo ko. dun kami ni sam nagsimulang matuto mag mekaniko. una, yung owner lang namin. nung namatay na si daddy, kung saan saan na kami napapadpad. sa banawe, sa evangelista, kung ano-ano lang raket para mas mahasa tsaka magkapera. kahit yung paglalagay lang ng tint, napasok namin yun. trenta pesos bawat isang sasakyan. ayoko kasing umuuwi ng maaga dito non sa bahay. feeling ko ang dilim dilim. lagi lang umiiyak si mommy. si ate, ewan ko, parang hindi ko sya maalala noon. alam ko lang lagi nyang kasama si glaiza.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon