I wanted to write down exactly what I feel, but somehow the paper stayed empty.
And I could not describe it any better.
****************
Hindi na sya ulit nagsalita pa.
Gusto nya ulit mag trabaho? Akala ko ok kami sa set-up namin ngayon. Hindi ko naman sila pinababayaan. Lahat naman ng pangangailangan nila, natutustusan ko. Hindi nya na kailangan pang magtrabaho para kumita ng pera. Sa sobrang lakas ng talyer ko ngayon, halos kami na nga yung tumatanggi sa mga kostumer.
Gusto kong maintindihan kung bakit. pero ang mahirap kay Glaiza, ayaw makipag-usap. Kaya kami hindi nagkakaintindihan. Alam kong mali na nilihim ko sa kanya ang mga plano ko pero hindi pa naman final ang lahat ng yun. Inaayos ko lang ang lahat para kapag nilatag ko na sa kanya, kumpleto na. Nasa sakanya pa rin ang desisyon.
Sinubukan ko ulit syang kausapin pero hindi na ko pinapansin. Kinuha nya si Jewel sa baba at pagkabihis, natulog na. Hindi na rin sya kumain ng hapunan. Tumabi na lang ako sa kanya. Ang hirap makatulog nang ganito. Sinubukan ko ulit, niyakap ko sya sa likod. Wala pa rin. Galit talaga. Sana lang magsalita sya. Kasi kilala ko si lab. Tahimik lang sya pero kung ano-ano nanamang kapraningan ang nasa isip nito. Sana sabihin nya yung iniisip nya para masabi ko sa kanya na hindi totoo yan.
.
.
Pagkagising ko sa umaga, nakaupo sya sa kama.
"lab. good morning." bati ko sa kanya. hinawakan ko sya sa kamay. nakayuko lang ito.
"yon, ayoko na."
ha?
"nang alin?"
"maghiwalay na tayo."
.
.
.
"hindi mo na ko mahal?"
dead air.
mark down from the kupal QA.
again,
"hindi mo na ko mahal?"
wala, ghost call.
Tumayo na ko at kinuha ang twalya sa likod ng pinto.
"Papayag ako kung hindi mo na ko mahal."
Binukas ko na ang pinto at bumaba para maligo. Buong araw kaming hindi nag-usap ni lab. Pagdating ko sa gabi, pagka kain, natulog na rin kami diretcho. Nakakapagod na din lumapit pag lagi kang narereject.
Kinabukasan, ganoon ulit. tapos the next day, ganoon pa rin.
.
Inabot nya sa akin yung mga invitations para sa birthday ni jewel habang kumakain kami. Hindi pa rin nagsasalita. Kinuha ko na lang din. Ihahatid ko na lang ito sa mga tao mamaya.
.
Lunch time, umuwi ako. Wala sila.
"asan sila glaiza, my?"
"nag mall daw."
wala ng paapaalam.
.
isang linggo na.
.
Paguwi ko sa gabi, gising pa sila. nagkukulitan sa kama.
pagpasok ko, tumigil at inabot sa akin si jewel.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanficRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.