"hhhmmm... ano ba..." I whispered as our lips parted. Pero makulit. Dinikit ulit. Ang higpit pa ng yakap nya sa bewang ko. She was pinning me to the counter and I can't move. Her hips against mine. Nilalabanan ko but the longer we kiss, unti unti nang lumalambot ang tuhod ko.
"hmmm.. batch!" I weakly protested. my hands on her shoulders.
"huy! ano yan!" sigaw ni yoyon. bigla kong naitulak si batchi.
"pre!" sigaw nito.
"hinalikan ako ng ate mo!" dagdag pa nya.
ANO? gago!
"hahaha. ikaw te ah..."
"ah... hin..."
"ano yan, lab?" si bestie nasa likod na ni yoyon.
"si ate hinalikan si batchi."
ay putek.
"di nga?" jusko glaiza!
"hindi noh!" sa wakas may lumabas ng boses sa bibig ko.
"DEDE SABI EH!!!" nasa likod na nila bestie si jewel. nagmamaktol na. pakamot kamot pa sa ulo nya.
"nak, hindi ganyan ang pagsabi ha." sinita ni yoyon ang bata.
"ano ba't kanina pa humihingi ng gatas, hindi nyo bigyan!" pati si mommy andito na rin sa kusina. siksikan na kami dito.
"ito oh!" inabot ko agad yung bote kay jewel.
"ano ba yan bes! ba't walang tubig?"
oh shocks. kinuha ko ulit.
"nagda-drugs ka nadine?!" si mommy naman!
"uy te, mahigpit na ngayon..." isa pa 'to.
natataranta tuloy ako.
"ok ka lang ba, nadz?" ang laki ng ngiti. kumindat pa. argh!
"MESH-TI! HUNGRY AKO!" ang sama na ng tingin sa'kin ni tabachingching.
dali-dali ko ng nilagyan ng tubig. at inabot sa bata. naglakad na sila ni glaiza pabalik ng kwarto. ganon din si mommy.
"sunod ka na dito, bes." sabi pa ni glaiza.
"tara na sa labas, pre." yaya ni yoyon kay batchi. naglakad na rin sila palabas.
"asan yun tinidor?" tanong ni yoyon nung nasa pinto na sila.
"ay oo nga pala!" tumakbo naman si batchi pabalik dito sa kusina.
hindi ko na sya tinitignan. pero pagkakuha ng tinidor, nagulat ako, mabilis na humalik ulit sa lips ko. wala nanaman akong nagawa. nakatakbo na ulit palabas. arrrggghhh!!!
.
Dito na ko natulog sa kwarto nila sa baba. Si yoyon pumasok dito madaling araw na pero nagkunwari kami ni bestie na tulog. Hindi pa kasi kami tapos mag-usap. Eh natatakot si glaiza na mapagalitan ni yoyon pag nalaman na nagpupuyat sya. Kumuha na lang si yoyon ng unan at lumabas ulit. Dun na sya natulog sa sofa. Tuloy ang chika. Bulungan lang.
.
Halos tanghali na kami nagising ni bestie. Si yoyon bagsak pa rin sa salas.
"parang hindi ko naman nakikita yung side nya na yan, bestie." itong bestfriend ko ayaw pang maniwala sa akin. naglalaba kami ngayon. less effort na kasi bumili si yoyon ng automatic na washing machine pag uwi namin galing london. diretso banlaw na. isasampay na lang. bongga.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanfictionRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.