36

5.6K 175 30
                                    


Ewan ko ba sa mga taong kausap ko dito. Kukunin ka bilang consultant pero bawat sabihin ko, hihimayin na parang relleno. Bawat angulo, kukuwestiyon. Gusto lahat may mahabang paliwanag. Bakit may lima imbes na apat lang na tire changer sa pitstop? aba malay ko. basta yun yung nakita ko dun sa wimbledon. Parang hindi matatapos ang brainstorming na ito. Biyernes nanaman, ilang araw na kami dito, hindi ko pa nakikita ang circuit. Alam ko doon mas mabigat ang magiging trabaho ko eh.

Kahit tanghalian, sila kasama ko. Hindi ko tuloy makausap ng matagal ang mag-ina ko. Nakakatawag lang ako sa kanila pag magpapaalam ako na magyoyosi. Hindi pa ko basta basta makatayo agad kasi palaging may nagsasalita. Eh ang bilin ni Glaiza pagkaganoon daw, hintayin ko daw na sabihin nang mga ka meeting ko na mag break muna kami. Minsan nakakapikit na ko. Paulit ulit lang naman kasi.

Ngayon niyaya ako ni Gab Tanchingco. Sabay daw kami mag lunch. Pumayag naman ako kasi syempre sya ang boss ko. Alangan naman ako pagbayarin nya. Isang libo lang pera sa wallet ko. Ito lang binigay ni Glaiza.

"so what do you think about the team?" tanong nya habang naghihintay kami ng order namin.

"ok naman boss. medyo paulit ulit nga lang. hehe." sagot ko.

"haha. that's alright, RD. please call me Gab. Naayos na pala yung cheke mo. Did you receive the e-mail from accounting?"

"Oo bo— Gab. Nagtext misis ko na daan nga daw ako ngayon dun sa accounting dahil may e-mail nga daw."

patango tango naman ito.

"You know RD, we could offer you much more if we have a contract. I'm just saying, you're limiting your potential to earn more if you stay as a free-lancer."

Nginitian ko lang sya. Hindi talaga uubra. Ito ngang pag gising ko ng alas singko tatlong beses sa isang linggo, nahihirapan na ko eh.

"Not to mention the stuff you can get for your wife and your kid. Like health insurance, educational assistance and a lot more benefits that the company offers. I heard your wife's knocked-up. How far along is she?"

"Mag se-seven months."

"ah... did you know that Castrol is one of the few companies that includes maternity benefits on our health care insurance? that's true. we even cover dental. everyone else offers the usual."

Hindi na ko sumasagot. Matibay naman ang ipin ni Jewel. Bukayo nga minamani lang non eh. Tsaka may ex akong graduate ng dentistry sa CEU. May clinic na daw yun ngayon sabi ni Idok. Binigyan pa nga daw sya ng discount. Inadd daw ako nun sa facebook eh. Ay kaso pala blinock ni Glaiza.

"I'm sure you're excited to see the circuit."

"oo!" napabilis yung sagot ko. natawa tuloy sya. bugnot na bugnot na kasi ako dun sa kwarto na pinag mi-meetingan namin. May TV naman, hindi buksan.

"Well, you'll see it friday next week. After your strat planning." tangina isang linggo pa pala ko sa opisinang to.

Nagsimula na kaming kumain.

"Think about my offer, RD." ang kulit nito.

.

Nagmamadali na kong umuwi. Hindi muna ko dumaan sa talyer, baka maabutan ako ng 6:30.

Sakto pagbaba ko ng pick-up, alam kong hindi pa ko late. Pagpasok ko kasi ng pinto nakita ko si Jewel nagsasayaw sa harap ng TV. pataas taas pa yung kamay.

"ep ep, ooray! ep ep, ooray!"

ayun! Wowowin pa lang. save!

"hi beh!" bati ko sa bata.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon