FINALE
Alas dose pa ng tanghali na lift ang liquor ban kaya naghintay pa kami. Dami ding pagkain bukod sa mga luto ng mga tao dito kanila glaiza, marami ding nagpadala. Ang aga magpalakas ng mga tao dito sa Kamuning. Dalawang lechon. Yung isa galing kay Mr. Hernan, may-ari ng sabungan. Yung isa galing sa Kiwanis, yung tropa ng mga tanders na may mga projects sa barangay. Ang dami ring bila-bilaong pansit at kung ano-ano pa. May tent na rin na tinayo sa tapat ng bahay. May mga upuan at lamesa. Libre lahat.
Ala una na, hindi pa lumalabas si Glaiza.
"asan si bunso, yon?" tanong ni nanay.
"nasa kwarto pa, nay. masakit ata ulo." kinakabahan ako pag lumabas si glaiza ng ganon ang itsura nya. makukuyog talaga ko dito.
tumango lang si nanay. hindi na nangulit. hindi naman nila masyadong napansin na wala si glaiza. busy kasi silang lahat.
Hindi talaga sya lumabas buong araw. Kami ni Jewel, andito lang sa tapat. Kumain naman na siguro yun, hindi naman yun pababayaan ni ate. Alas syete na ng gabi, lasing na mga tao pero ang dami pang tirang alak. Daming nagbigay ng regalo kay tatay.
"bath bath ako, dada!" kating kati na rin siguro 'to. nagkakamot na eh. kaninang umaga pa kasi 'to pinaliguan ni gabbi pag tawid namin dito. tapos andito lang din sya sa labas, nakikipaglaro tsaka nakikipagusap sa mga tao, eh maalikabok.
"punta ka dun kay mama sa loob."
"eehhh... dada!"
tsk. ang kulit naman. gusto ko sanang pumasok dun pag talagang humupa na yung inis ko. inubos ko na lang yung isang bote tapos sinamahan ko na sya papasok.
"kumain na kayo, te?" tanong ko kay ate pagpasok namin sa salas. hindi ako pinapansin. si batchi ang sumagot sa akin.
nanonood lang sila ng tv.
"asan si mommy, te?"
"nasa tindahan, pre." isa na lang rin yata sila ng dila.
Pumasok na ko sa kwarto. Si jewel kasi panay ang hila sa akin.
Pagpasok namin sa loob, si Glaiza nasa harap ng laptop. Hindi ako pinapansin. Hanggang dito ba naman, trabaho pa rin. Naka leave na nga, yan pa rin kaharap.
"mama!"
"hi beh!" paos yung boses pero hindi naman na umiiyak. pero mugto pa rin yung mata.
"bath bath ako mama!"
"oh lika na." tumayo na sya.
"palo ka dada, mama?" napansin nya yata yung itsura ng mama nya.
"worse." sagot nya sa bata.
"ano ba yan glaiza!" hindi na ko pinansin, diretcho sila sa CR.
Paglabas, binihisan na nya si Jewel, pinagtimpla ng gatas tapos balik na ulit sa laptop. Ako na sunod na naligo.
Pagkatapos ko, mabilis akong nagbihis at tatabi na sana ko kay Jewel nang biglang umiyak si Kobe mula sa crib. Tumayo agad si Glaiza para magtimpla ng dede. Kinuha ko naman agad ang bata sa crib. Ang payat nito, hindi katulad kay Jewel nung six months sya. Marami naman syang vitamins pampagana, kaso talagang konti lang sya dumede.
Hindi pa rin tumitigil sa pag ngawa. Humahabol kay glaiza, nakataas pa yung dalawang kamay. Pagkatapos magtimpla ng gatas, kinuha niya si kobe mula sa pagkakakarga ko. Tumahimik naman na agad pag dating sa kanya. Pinapadede nya, ayaw naman. nakayakap lang sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/85086481-288-k335921.jpg)
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanfictionRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.