2

6.3K 207 5
                                    


Pagdating sa bahay, diredirecho akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.

Nadatnan ko ang mommy ni Rhian sa salas, na karga-karga ang anak naming si Jewel.

"Oh. andyan na pala kayo. Nakabili kayo ng gatas?" tanong nito habang inaabot sa akin si baby.

"Opo." maiksing sagot ko lang habang kinukuha ang anak ko at diretcho na rin akong umakyat sa taas.

Binaba ko muna ito sa kama para makapagpalit ako ng damit. Habang nagbibihis, bumukas naman ang pinto at niluwal nito si Rhian.

"Ang tagal tagal na non, glaiza! ba't nagpapaapekto ka pa!" sigaw nito pagkasara ng pinto.

"Madaling sabihin para sa'yo yan kasi hindi ikaw ang nasa kalagayan ko!" sagot ko ng mas malakas.

"putcha naman! andito na ko oh. na sa'yo na ko. ano pa bang gusto mo?"

"sinusumbatan mo ba ko? maraming salamat yon! binalikan at pinakasalan mo ko! thank you ha." sarkastikong sagot ko.

"hindi! anong- panong naging sumbat yun!"

sa lakas ng sigaw ni Rhian, nagsimulang umiyak ang anak naming nasa kama. Bago ko pa ito malapitan, bumukas ulit ang pinto at pumasok si Nadine. Diretcho ito sa kama at kinuha si Jewel na malakas ng umiiyak.

"sige, sanayin nyo 'tong anak nyo na naririnig kayong nagbabangayan." bulalas nito habang lumalabas ng kwarto bitbit si baby.

Pagkasara ng pinto, hinarap ko ulit si Rhian.

"alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na parang ako pa yung nang agaw. na parang ako pa yung umahas."

"naririnig mo ba yung sarili mo, glaiza?" umiiling iling pang sagot ni yoyon.

"PATAY NA YUNG TAO!" sigaw pa nya. nakita kong parang maluha luha ang mata nya.

"yun na nga eh! patay na nga kaya daw kita nilandi! kahit akin ka naman talaga, dati pa! wala pa sya sa eksena. sya ang nang-agaw! sya ang lumandi! gusto pa nga nya kong bigyan ng pera diba? ano yun, renta sa asawa?"

nagulat ako ng duruin ako ni yoyon. nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"wag na wag mong gaganyanin ang memory ni heart." malalim na pagbabanta nito.

ha? napanga-nga ako sa narinig ko. para kong nabingi. hindi ko namalayan ang mga luhang kusang lumalabas sa aking mga mata. oo nga, mahal nga nya si heart. at mas mahal nya ito kaysa sa akin. kitang kita ko yun sa galit ng mga mata nya. napaatras ako. ang buong akala ko, ako talaga ang mahal nya. pero bakit sya bumalik sa akin ng mamatay ito? napaisip ako. hindi nga pala ganoon ang nangyari. hindi sya kusang bumalik. ako nga pala ang unang lumapit sa kanya. parang hinihiwa ang puso ko. nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako sa kama. hindi ako ang tunay na mahal ng asawa ko. ang sakit.

tumingin ako sa mga mata nya. galit ang mga ito. sa akin.

nasaktan ko sya sa mga sinabi ko tungkol sa babaeng tunay nyang minamahal.

at kaya sya bumalik sa akin dahil patay na ito.

mali. kaya sya pumayag na bumalik sa akin dahil wala na si heart. totoo pala ang sinasabi nila. kabit nga lang pala talaga ko sa buhay nya. kami ng anak ko.

hindi ko pala sya tuluyang nabawi.

parang durog durog ang puso ko.

.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon