12

5.4K 171 10
                                    

"ANO? papano nya mabubuntis yun eh wala naman syang..."

"science! tanga!" pagputol ni tomy na ex-pulis sa kakambal nitong mekaniko.

"wag mo ng isipin yun si glaiza, tol. ang isipin mo kung papano mo masusulot yung mga kostumer pag alis nila." dagdag pa nito.

"tsk. papano natin masusulot yun eh kalahati dun, ginantyo mo. yung kalahati, ni ayaw makipag-usap sa 'kin."

"yun nga ang tanong dun eh. ba't ayaw makipag-usap sa'yo. may dahilan kung bakit, tol. hindi pa nga nila naririnig ang offer mong kalahati sa singil ni tibo, umaayaw na agad. may iba talaga kong nararamdaman dyan sa mga armored cars na yan eh..."

"wala na kong pakialam dyan. ang pinagtataka ko, anong pinakain ng gagong yun kay glaiza bakit..."

"anong walang pakialam?! eh papano yung utang natin kay kabo..."

"anong natin? ikaw lang may utang dun."

"anong ako lang? siraulo ka pala eh. dalawa tayong nakinabang dun!" sigaw ulit ng nakakatandang kambal.

"tsk. basta. gusto kong makuha si glaiza sa kanya. tsaka ko na proproblemahin yan." sagot ni tommy na mekaniko.

"ano bang meron yang glaiza na yan at nawawala ka sa ulirat? tsaka tol... nalawayan na ni tibo yun..."

"huwag mong ituloy yang sasabihin mo, tol. kung ayaw mong tayong dalawa ang magka-gulo."

"sus.... sa bagay, may pakinabang din tayo dyan sa pagnanasa mo na yan. parang chess. wala ng laban pag nakuha mo na yung reyna."

"ha? panong..."

"ewan ko sa'yo, bobo! tumagay ka na nga lang."

at nagtuloy na sa pagiinuman ang magkapatid sa loob ng talyer. Ang hindi nila alam, nakatago sa gilid ng gate, si jimboy, anak ng isa sa mga mekaniko sa talyer ni rhian. Pagkarinig nito sa usapan ng dalawa, tumakbo ito papunta sa talyer ni yoyon sa hindi kalayuan.

.

.

.

Naabutan ni Jimboy si Glaiza sa loob ng auto shop na nag iimbentaryo ng mga pyesa. Inaayos na nya ito bago sila umalis papuntang london in two weeks.

.

"mam..." hinihingal pa ito pagpasok ng shop.

"si boss po?"

"wala, nag break-in. bakit? ikaw ha, sabi ko sa'yo pumasok ka sa school." sagot ni glaiza pero hindi ito tumitingin sa binata. nagaayos ito ng mga motor oil na nakasalansan sa istante. paminsan-minsan nitong sinusulyapan ang anak na si jewel habang natutulog sa folding bed sa gilid.

Umiikot naman ang tingin ng binata sa kabuoan ng shop at talyer. hinahanap nito si rhian.

"umuwi ka na, jimboy. magsasara na rin kami pagbalik ni yoyon. wala na yung iuutos sa'yo." paminsan minsan kasi ay pinagbibigyan ni rhian si jimboy na tumulong sa magagaang trabaho sa talyer kapalit ng maliit na halaga. hindi dito sang ayon ang asawa dahil imbes kasi na pumasok ang bata sa eskwelahan, nawiwili ito sa pagtambay at sa pagsa side line sa talyer.

"eh kasi mam... ano eh... may... may importante po akong sasabihin." sagot ng bata. lumuhod ito sa tabi ng folding bed at pinagmasdan si jewel.

"oh. baka magising yan ha. wag kang magulo. ano ba yung sasabihin mo?"

"kasi mam narinig ko po kasi na..."

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon