"pasok ka. umiinom ka ba?" tanong ko pagka bukas ng gate. May dala pa palang kahon ng Pizza. OK to ah. magiging boto si Jewel dito.
"thank you." at sumunod naman sya sa 'kin papasok.
"upo ka. oy! bisita ni ate. mga tropa dito." pinakilala ko sya sa mga barkada ko at pinaupo ko dun sa amin. ngumiti naman ito sa kanila.
"anong pleybor nyan, pre?" tanong ni ferdie sabay turo sa kahon ng pizza na kalong ng bisita.
"ha?"
"psst hoy!" sita ko dito.
"teka, tawagin ko si ate. ano nga ulit pangalan mo, pre?" tanong ko.
"Oh. I'm sorry. I'm Batchina Luna Ortaleza. You can call me Batchi." tumayo pa ulit ito at nakipagkamay sa akin. Pormal naman nito.
"Naks!" kantyaw ng tropa.
"psst hoy! tama na yan." pag-awat ko sa mga ungas.
"shot ka muna dyan, pre. tagayan mo."
"pre, patong mo muna dito yan, oh. hindi namin kakainin, pramis." narinig ko pang sabi ni bentot sa kanya bago ko umakyat. Inoffer nito ang isang upuan para paglagyan ng pizza at bulaklak na dala ni Batchi.
.
Papaakyat ako sa hagdan naririnig ko ang anak kong nagbibilang.
"teben.... ah.. eyt... nayn... ten! yehey!!!"
"yehey!" palakpakan si ate at lab kay jewel. pati sya pinapalakpakan sarili nya.
"honggoling namang ng batang yan!" sabi ko pagdating ko sa harap ng nakabukas na pinto.
"tapos na kayo, yon? himala!" sabi ni ate.
"maynaghahanapsayo."
"ano?" sabay pa silang mag bestfriend.
"may bisita ka."
Parang natuod sila pareho.
"hoy ate! may bisita ka!"
"sino?"
"yung kaopisina mo lab, si ano ba yun, si Batchi."
Nagkatinginan lang silang dalawa.
"Bilisan mo na dyan. Lasing na yun pagbaba mo." sabi ko habang naglalakad palayo.
.
"yon!" "dada!" sabay din sila sa pagtawag sa akin. Parang mga SWAT, biglang nagsikilos. Ang bibilis.
"kunin mo si jewel!" utos pa sa akin ni lab habang nagmamadaling buksan ang kabinet ni ate.
"shocks bes!" sabi ni ate habang naghuhubad ng pantulog.
"ano? isasama ko si jewel sa baba?"
"bilisan mo na, yon!" sigaw ni ate.
"nagyoyosi kami don, lab!"
"susunod ako agad sa'yo. bilis na!"
"huwag na huwag mo kong iiwanan, bes!" sabi ni ate.
"oo! yung kilay mo, bilis!" sagot naman ni lab sa kanya. habang dino-drawingan ang mukha ni ate.
"naalala mo yung pinagtatakpan ko sa nanay mo yang kalandian mo, hindi ko inaamin na sa talyer ka natutulog! kaya wag na wag mo kong..."
![](https://img.wattpad.com/cover/85086481-288-k335921.jpg)
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanficRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.