17

4.6K 179 42
                                    

Halos araw-araw pagod si Yoyon tuwing umuuwi galing training. Kahit sabado ngayon, pumasok pa rin sya. Pero sinama nya kami. Tapos na nyang ayusin yung sasakyan na gagamitin nya at ngayon pa lang sya formally magsisimula ng training nya. Malaki ang circuit dito. Halos triple nung sa clark. Tsaka sosyal ng bleachers. Andito lang kami ni Jewel habang paikot ikot si Rhian sa track. Paminsan minsan tumutigil sya at may ipapaadjust sa pit crew.

Maya't maya naman nya kaming pinupuntahan. Lunch time, nagpaalam na sya sa team nya at naglakad kami palabas ng circuit. Pumunta kami don sa coffee shop na malapit sa park. Dito na kami kumain. Ang sarap ng carbonara nila. Halos hindi nga lang ako nakasubo kasi inubos ni Jewel. Sabi ni lab, order pa daw kami kaso sabi ko wag na lang. Hindi naman ako gutom. Tsaka isa pa, £6.50 ang isang order. Halos 400 pesos. Sa Kamuning, isang bilaong pansit na yun. Busog na lahat ng tao sa talyer don.

Sabi ni lab, wag daw akong kwenta ng kwenta. Eh hindi naman pwede yun. Paguwi namin, buntis na ko. Kailangan namin maging masinop sa pera. Hindi ako pwedeng magbuhay turista dito. Sight seeing lang ang peg ko. Tsaka window shopping. Yung talyer at itong pangangarera lang ni yoyon ang ikabubuhay namin. Naisip ko nga na sana makabalik ako sa trabaho pero mukhang imposible pa yun. Baka siguro pag medyo malaki na yung magiging bunso namin, pwede na. sana.

Pagkatapos namin kumain, hindi na kami bumalik sa circuit. Pupunta kasi ngayon ang pamilya ni Jonas. Dito na nila kami sinundo sa park. Pinasyal nila ulit kami. Ang ganda talaga dito sa london. Ang daming pwedeng puntahan. Yun nga lang talagang medyo magastos. Buti na lang kasama namin si Aunt Marge. Sya nagbabayad palagi. Feeling ko bumabawi sya kay yoyon. Ngayon lang kasi sila nagkabati dalawa. Lagi ko rin sinasabihan si lab na maging mabait sa tyahin nya. Kaya siguro natutuwa rin ito sa akin.

.

Tuwing pinagmamasdan ko si Yoyon parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko kasi talaga inakala noon na magiging asawa ko sya at makakasama kong bumuo ng pamilya. Noong nagaaral pa lang kami ni Nadz, hindi ko talaga sya napapansin kahit ang kulit-kulit nya. Iba kasi ang pangarap ko noon eh. Pero siguro nga tama si bestie, na matagal na kong inlove kay yoyon. Kasi kahit anong kulit nya non, naiinis ako sa kanya pero hindi ko magawang magalit ng matagal. Nasa college kami noon ng dumalaw sa bahay namin yung manliligaw kong intsik. Kahit hanggang ngayon hindi inaamin ni yoyon, alam kong sila ni kuya ang nagnakaw ng gulong ng kotse non. First week pa lang kaming mag girlfriend, napagusapan na yon. Deny to death talaga si lab. Pag naiisip ko ngayon mga kalokohan nya noon, natatawa na lang ako eh.

.

flashback

"hi lab. kanina ka pa?" bati ko kay yoyon pag sakay ko ng owner. sinundo nya kami ni nadz sa office. coding yung pick up kaya yung owner ang pinangsundo nya sa amin.

"hi lab." nagulat ako ng bigla nya kong halikan sa labi. Kasama kasi namin si Nadz. Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nung naging kami at medyo naiilang pa rin ako pagka nandyan si bestie.

"kelalandi!" sita naman ni nadz mula sa likod ng sasakyan.

"napaka pakialamera mo. ikaw na nga lang tong nakikisabay." sagot ni yoyon. pinisil ko naman ang kamay nito bilang pagawat.

"aba! aba! aba! akala mo sasama sa'yo si glaiza pag hindi ako kasabay? tara na bes, mag mrt na lang tayo!" sigaw din ni nadz kay yoyon.

"aba'y!..." sasagot pa sana si lab pero pinigilan ko na ito.

"tama na lab, ikaw naman, nagbibiro lang si bestie..."

Nagirapan lang silang magkapatid sa salamin. Minsan talaga naiipit ako sa away nilang dalawa. Si yoyon kasi, pikon. Si bestie naman, sutil. Kadalasan, pinipigilan ko na lang sila para hindi na lumaki pa ang gulo. Kaso si bestie mapang asar talaga.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon