6

5.8K 213 22
                                    


"Oh my god! it's been months since I last saw you!" tili ng hitad.

months? six months pa lang kaming kasal. before that, we were together for two years. Sino kaya 'to. At saan nanaman ito napulot ng asawa ko.

"ah.. ah... haha.. misis ko pala, si glaiza." utal utal nanaman po sya.

"what?! uhhh... you got married?" disappointed pa ang tone of voice. wow girl, sa harap ko pa talaga.

"oo. lab! si... arci pala."

"so kaya ba hindi ka na nagre-race?" pout pa more.

"ANO?" napalakas yata ang sigaw ko. hindi lang sila, pati yung ibang tao sa parking lot napatingin sa akin. napapikit naman ang yoyon na parang nagdadasal ng milagro.

"ah.. ano, arci, dito na kami ha. sige next time na lang. ano. sige. tara na, lab." at dali daling dinukot ni lab ang susi ng pick-up mula sa bulsa nya. nagkanda hulog pa ito.

may pa next time, next time ka pa ha. maghintay ka lang talagang maka uwi tayo.

"owww.. kay... see you in clark?" pahabol pa ng babae.

CLARK? RACING? lagot ka talaga sa'kin... RD.

ayos. RC at RD. nasaan kaya si RA at RB.

hindi na sumagot si rhian at halos ipagtulakan ako papasok ng sasakyan. mabilis din syang umikot papuntang driver's seat at pinaandar ang sasakyan.

"racing?" tanong ko sa kanya habang nasa byahe.

"matagal na matagal na yun, lab. hindi pa tayo kasal."

"ah... kaya pala. hindi pa pala tayo noon kasal. girlfriend mo pa lang ako..." sarkastikong sagot ko.

"lab, huwag ka namang ganyan, oh. matagal na yun. huwag natin sirain kung anong meron ngayon dahil sa mga nangyari sa nakaraan. sorry lab. hindi ko na yun inulit matagal na."

"papano ka nakakarating ng clark ng hindi ko alam? shocks! nasa tapat lang ako! ang galing mo talaga, ARRR DEEE!"

"lab naman." malungkot na pag-amo nito.

"sugal 'to noh!"

"uy lab, hindi ah. legal 'to noh. may mga sponsors pa nga..."

"ah ganon? asan yung mga napanalunan mo?"

"ha?"

"huwag kang mag maang maangan! wala bang trophies, certificates.. imposibleng matalo ka sa karera, rhian! saan mo tinatago?"

"nasa kwarto ni sam."

"kita mo na!" hindi ko napigilang masuntok sya sa braso.

"aray!"

"dyos ko yon! ang dami kong hindi alam! hanggang ngayon, ang dami kong nalalamang bago tungkol sa'yo!"

hindi sya nagsasalita. nagpapa cute lang. puppy eyes.

"bwisit!" nasuntok ko ulit. nakakagigil kasi.

"ah."

lahat na nga ng gusto, binibigay ko. tapos ganito. mula ng kinasal kami, ang dami kong nalalaman sa kanya. hindi naman lahat hindi maganda. kaso kahit halos dalawang taon kaming mag girlfriend, hindi ko nakita ang mga ito simula noong nagsama na talaga kami sa iisang bubong.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon