Isang linggo pa bago ang mismong Valentine's Day pero sabi ni Glaiza ngayon na daw kami mag date dalawa. Ayaw daw nya sumabay sa maraming tao. Tama rin naman sya. Dapat susunduin ko sya ng alas singko sa bangko kaso kailangan ko rin mag deposito kaya naisip kong maaga na lang ako pupunta don para surpresahin din sya. Dun na lang din siguro ako maghihintay sa kanya. Binilin ko kay mommy si kobe dahil nga gagabihin kami ng uwi. Yung panganay ko, andun busy sa barangay. Dadaanan na lang sya dun nila ate paguwi.
Mukhang maraming tao ngayon dito sa bangko. Byernes kasi. Meron namang parking para sa supervisor, kilala naman itong pick-up nung gwardya kaya pagdating ko sa harap, agad nitong inalis yung bakal na harang.
Pagpasok ko sa loob, binati ako agad nung sekyu.
"good afternoon po. tawagin ko po si mam?"
"hindi na, kuya. magdedeposito muna ko. penge po akong number."
"ay hindi na po. diretcho na lang po kayo sa counter. tara, samahan ko po kayo."
"hindi na. hindi na." pagtanggi ko. ang dami kasing tao. nakakahiya naman kung mauuna ako sa pila.
"penge na lang akong number, chief. hindi naman ako nagmamadali." dagdag ko pa.
"sigurado po kayo? medyo matatagalan pa po."
"ok lang, sige." sagot ko at ako na lumapit dun sa maliit na machine para kumuha ng number.
wala nang maupuan kasi ang daming nakapila. alas tres ang cut-off. 2:30 na. kaya pala hanggang alas-5 ang mga empleyado dito. kailangan syempre ubusin nila yung mga costumer na nabigyan na ng number bago mag cut off. lima naman kasi yung counter, bakit apat lang yung may tao. asan ba supervisor dito, makapag reklamo nga. hahaha. wag na, baka i-divorce ako.
hinanap ng mata ko si lab. nakita ko sya dun sa opisina nya sa gilid na napapaligiran ng salamin. parang nasa aquariun si lab ah. ay puta, ano ba tong naiisip ko. naka kunot pa yung noo, nagtatype sa laptop. hindi nya alam na nandito na ko. dito ko nakatayo sa bandang likod kaya hindi nya talaga ko makikita kasi may mga ilan ilang tao din sa harap ko.
maya-maya nakita ko lumapit sa kanya yung isang babae sa counter. tsaka lang inalis ni glaiza ang pagkakatitig nya sa computer. nakita kong tumayo ito at sumunod dun sa teller na naglakad pabalik dun sa harap. ang sexy talaga ni lab. naka itim na dress ito, hanggang tuhod at walang manggas. ang kinis pa ng paa. pati braso nya, ang bilis nyang napabalik sa dati mula nung nanganak sya. napangiti ako. kinilig ako knowing na alam ko what's underneath that dress. nadilaan ko na nga. shit! ano ba tong naiisip ko.
ang tipid talaga ng ngiti nito ni lab. kostumer na nga yang kaharap nya. pero hindi naman na mataray yung mukha. siguro lang kasi alam ko yung ngiti nyang nawawala yung mata nya. ha! for my eyes only daw kasi yun. ang sarap sa pakiramdam. kinikilig talaga ko.
"ang cute eh noh?" sabi nung lalaki sa tabi ko. kamukha ni jose manalo. messenger ata to. alam ko na agad na si lab ang tinutukoy nya.
"alin, yang misis ko?" sabi ko sabay nguso kay lab.
"hahaha. ayos! sige, pag nag break na kami. hahaha." aba gago to ah. ayaw maniwala na asawa ko talaga yan. ok naman itsura ko ah.
nakita ko si lab, may pinipirmahan dun sa counter. ang ganda talaga. maya-maya pa umalis na yung kostumer na nakatayo dun. tumunog yung parang doorbell tapos nagiba yung number dun sa screen. tinawag din nung teller yung next number pero si lab andun pa rin nakatayo sa gilid nung teller.
ilang minuto pa sya don tapos naglakad ulit papunta dun sa may vault.
"ang sexy talaga noh?" siraulo to.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
Fiksi PenggemarRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.