Nadine's pov (oh ha?!) 😂
Tarantang taranta akong tumakbo palabas ng bahay. Sa gate pa lang nakita ko na si batchi na papalabas sa sasakyan nito.
"tulungan mo 'ko! Si mommy!" Sigaw ko dito. Tapos diretso pa rin akong tatawid. Parang di ko na alam gagawin ko.
"sam! Sam!"
"sige na, ako na tatawag." nagmamadaling sabi ni batchi at hinawakan ako sa balikat. Tumakbo ito sa tapat at tumalikod naman ako pabalik sa loob ng bahay. Papasok pa lang ako ng pinto, kasunod ko na sila agad.
"sa capitol medical kami, bes." natatarantang bilin ko sa bestfriend at hipag kong si glaiza. Hinablot ko ang bag ko at mabilis na lumabas at sumakay sa likod ng kotse ni batchi.
Pinatong ko ang ulo ng walang malay kong ina sa kandungan ko.
"bilisan mo, batchi. Please!" iyak ko habang hinahaplos ang mukha ni mommy.
"dito pre, short-cut. Liko ka dyan." sabi naman sa kanya ni sam na nakaupo sa passenger seat.
"mommy, please. Mommy!" hagulgol ko habang niyayakap ang ulo ni mommy. Bahagya naman itong nagbukas ng mata.
"kapit ka lang, my. Malapit na tayo!"
.
Pagdating namin sa harap ng hospital, agad namang binuhat si mommy pasakay sa gurney at dali-dali itong pinasok sa emergency room.Isa-isa ring lumapit sa kanya ang mga nurses at dalawang doktor. Hindi ko gustong bitawan ang kamay nya pero hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari. Nakatayo pa rin ako ngayon sa tapat ng isang kulay berdeng tela habang nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko. May mga aparato pa silang madaling pinapasok sa kabilang side ng tela kung saan nakahiga pa rin ang walang malay kong ina.
Hindi pwede to.
Sya na lang ang meron kami ng kapatid kong si yoyon. Maagang namatay ang daddy namin at simula noon, kaming tatlo lang ang magkakasama sa buhay. Nasa UK ang mga kamag-anak ng daddy ko at nasa probinsya naman ang kay mommy. Kahit mahirap, pinilit naming mag survive ng kaming tatlo lang. Bukod sa bahay namin sa kamuning, college trust fund lang ang naiwan ng daddy ko sa amin. Nabuhay kami noon sa kakaramput na kinikita ng tindahan ni mommy at sa maliit na pension at child support na nakukuha namin mula sa embassy ng mamatay ang aming ama. Naging mas mahirap noong tumungtong kaming magkapatid ng edad 18 at naputol na ang child support na provided ng british embassy sa mga minor de adad na british nationals na nangangailangan ng financial aid.
Kaya lalong pinursigi kong matapos ang pag-aaral ko. Gusto kong makatikim ulit ang mommy ko ng magandang buhay. Hindi naman kami mayaman noong naandyan pa si daddy pero kumportable ang buhay namin noon. Ang ama ko ay nagtrabaho bilang isang consular officer sa embassy. Doon nga sila nagkakilala. Apat na beses nainterview ng daddy ko ang mommy ko na nagaaply noon ng visa para mamasukan bilang katulong sa london at apat na beses din itong na denied. Sa bwisit ng mommy ko, inabangan nya si daddy sa labas ng consulate office. Pinukol nya ng bato ang sasakyan nito pero imbes na sa kotse tumama, sa ulo ni daddy bumagsak ang bato. Sa kanya yata nagmana si yoyon, war freak. at ayun nga, doon na nagsimula ang love story nila.
Katulad ng bestfriend kong si Glaiza, noong dalaga pa si mommy, pangarap talaga niya ang yumaman at magkaroon ng maraming pera. Noong mga panahon na yon, ang pamamasukan bilang katulong sa abroad ang alam nyang daan para sa pangarap nya. Kaso nga hindi sya mabigyan bigyan ng visa. Nagbago ang lahat noong nakilala nya ng lubusan ang taong humadlang sa pangarap nya. Nabago ni daddy hindi lang ang pangarap ni mommy kundi buong pagkatao nya. Parang si yoyon kay glaiza.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanfictionRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.