"kape!" padabog na latag ni lab ng garapon sa lamesa.
"asukal!" bagsak ulit.
"ayan, ikaw na magtimpla!" ang aga namang init ng ulo nito. baka may regla. hindi, tapos na sya last week pa. sabay kami nito palagi. kaya nga 3-5 days lang ang usual hiatus namin nito eh. pero parang ang tagal ng wala. tangina kasi sobrang daming trabaho.
"ah.... lab, may... hot water na ba?" malumanay kong tanong.
"ayan yon, sa tabi mo, nasa tasa na! bulag ka ba!" ang harsh. ano bang problema nito?
padabog namang naglakad ito mula sa kusina at binalibag nanaman ang isang platong itlog sa lamesa.
"oh ayan. ayun yung pandesal oh. kumain ka na, kamahalan." tapos naka simangot na dumiretso sa sala para kunin si jewel na nakaupo sa walker. lakas naman maka bad vibes nito. alas sais pa lang ng umaga!
maya-maya pa bumaba na si ate at tumabi sa akin para mag almusal.
"bestie! lipat natin sa unang hirit."
"nanonood si jewel." mataray na sagot sa kanya ni lab. paulit-ulit naman na yang hi-5 na yan. parang mga engot pati.
"ay! sorry." "anong ginawa mo, yon? ba't pati ako tinarayan?" pabulong na tanong sa 'kin ni nadz.
"yun na nga ang tatanungin ko pa lang sa'yo eh." bulong ko din.
"alamin mo nga." dagdag ko pa.
"kumain ka na, sis?" tanong naman nito kay glaiza pero tinanguan lang sya nito.
"may inorder akong dress online para kay jewel! gusto mong makita? baka ideliver yun today, iwan ko na lang yung pambayad dyan sa tindahan ha." masiglang dagdag pa ni ate.
"sige. salamat." maikling sagot ni lab na nakatitig lang sa tv. nakaupo ito sa sofa, karga si jewel.
"leche ka, yon! anong ginawa mo?" bulong nanaman ni ate sa akin.
"hindi ko nga alam! tulungan mo ko ate, please..."
"lagi na lang! ay nako, papasok na ko. tatawagan ko na lang mamaya. kung ano-ano kasing ginagawa mo."
"wala nga, promise! ok kami nyan buong araw kahapon. ewan ko ba't naging ganyan."
"may katangahan ka nanaman siguro. alis na ko." at tumayo na si ate para pumasok sa opisina. dumaan pa 'to kay lab para humalik kay jewel. pero dedma pa rin si glaiza.
tahimik kong tinapos ang kape at almusal ko.
baka siguro napapagod na si lab. ako na nagligpit nang pinagkainan ko. konti lang naman ito kasi wala namang ginamit si ate dahil wais yun eh, nakikiinom lang sa kape ko at manghihiram ng kutsara para sumandok ng itlog na palaman.
"ah... lab, sama kayo sakin ngayon?" alangang tanong ko ulit kay glaiza.
"tsk. pwede bang dito ka na lang muna?" malumanay na sagot nya. bakit kaya? may problema yata. papaano kaya 'to, tambak ang trabaho ko ngayong araw na 'to. tatlong kotse ang kailangan ma release na sa may ari bago mag tanghali.
ay puta! may gusto pala 'to kagabi! ano nga ba yun? hindi ko maalala. hindi yata pagkain. road trip ba?
"ang daming pending ngayon, lab eh. kung pwede, tapusin ko agad bago mag lunch time, uwi na ko dito tapos gusto mo punta tayong tatlo ng mall? bili tayong sapatos, damit, bag, ano bang gusto mo?"
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanficRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.