"ayaw daw nya umalis sa bahay ni daddy. sabi pa nga nya, iwanan na lang daw sya mag-isa eh."
hindi pa rin sumasagot si glaiza. nakatingin lang sa labas ng bintana. kakasundo ko lang sa kanya mula sa opisina at pauwi na kami ng bahay.
"lab." pagtawag ko ulit sa kanya.
"ano?" lumingon sya sakin.
"magsalita ka naman."
"anong gusto mong sabihin ko yoyon?" balik ulit sa bintana.
"intindihin mo naman. mahirap naman na iwanan ko sya. nanay ko yun."
"I agree. I know the feeling. first hand."
hindi ko naman sinabi na hindi na namin itutuloy ang pagpapagawa ng sarili naming bahay. ang sinabi ko lang, kailangan naming samahan si mommy pag-alis ni ate.
pakiramdam ko pati sila ni ate, nagtatampuhan na eh.
hindi ko na sinama yung dalawang bata pagsundo dahil alam kong inis to si glaiza sa akin simula pa nung lunes ng gabi pag-uwi namin ni ate. gusto ko sana syang makausap ng kaming dalawa lang kaso hindi naman nagsasalita.
birthday na ni jewel bukas. pero sa sabado pa ang party. bago umuwi, daan muna kaming barangay para sunduin sya.
bumaba na kami ni glaiza ng pick-up at dumirecho sa office of the chairman. andun ang panganay namin, sa desk nya. si tatay, andun din sa tabi nya, may kausap na tanod.
humalik naman sa amin si jewel agad pag pasok namin ng pinto.
"hi tay. sunduin na namin 'to." pagbati ni lab kay tatay. lumapit pa ito sa matanda at humalik sa pisngi.
"oh! ngayon na? eh ito nga't inuutusan ko tong si marlon para ibili ng stick-o at gusto daw nya." sabi naman ni tatay. si marlon yung tanod.
"hindi na tay. maghahapunan na rin kami pag-uwi sa bahay." sagot naman ni lab.
"eeehhh.... stick-o!" maktol naman nitong anak ko.
"ako na lang maghahatid." sagot naman ni tatay.
"hindi na, tay. let's go jewel." badtrip pa rin mukha ni glaiza.
patay ka tatay. dalawang prinsesa mo yan. sige pumili ka ng susundin sa kanila. kasalanan din nya yan, sinanay nya yang mag-ina ko na nakukuha lahat ng gusto nila.
"ah oh sige." pag sang ayon ni tatay sa misis ko.
iyak si jewel. ayaw pang lumakad palabas. wala naman syang nagawa kasi binuhat ko na. tumitigas na talaga ulo. kailangan ng paluin 'to. birthday pa naman nya bukas. hindi ko pa naman sya pinapalo pag mainit ang ulo ko. pagka nakagawa ng kasalanan, hinihintay ko munang humupa ang inis ko bago ko sya kausapin. para maintindihan nya na pinapalo ko sya hindi dahil sa galit ako kundi dahil mahal ko sya. sya pa nga ang pinagdedesisyon ko kung ilang palo ang deserve nya. depende sa gravity ng kasalanan. ayoko kasi na disiplinahin ang mga anak ko katulad ng sa daddy ko. yung nakikita ko yung galit sa mata nya. usapan na namin ni glaiza 'to eh. na pag matigas na ang ulo, ako ang papalo. sya ang magko-comfort. lugi ako. pero ayos lang. para sa mga bata naman. hindi ko nga maintindihan kung bakit mas gusto pa rin sa akin ni jewel kahit nakatikim na sya ng palo sa akin at kay glaiza, hindi pa.
hanggang bahay, nagiiiyak pa.
ito sya oh.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanfictionRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.