39

4.5K 163 45
                                    


Laking pasasalamat ko dahil hindi na naulit pa yung ganong tagpo. Hindi na kasi iniiwan ni Nanay at Mommy yung mga bata pag wala pa ko sa bahay. Si Kobe laging na kay mommy, sa byenan ko. Kahit sinasabi ko na pwede naman nyang ibigay kanila gabbi sa tapat, she insists na sya ang magalaga. Si jewel, yun ang laging na kanila tatay. Pero pag narinig nya si yoyon, parang nalilimutan nya lahat. Tatakbo yun palabas. Kahit si tatay, aawayin nya. Baliw na baliw kasi sya sa Dada nya eh. Minsan nga nagmamakaawa pa sya kay yoyon na isama sya sa talyer.

Tatlong buwan na simula nung bumalik ako sa trabaho. Six months na si Kobe, nagiipin na. Isang linggo na ring bukas ang branch na hinahawakan ko. Pilit kong pinagkakasya ang oras ko sa trabaho para makauwi ako ng sakto alas-5. Halos hindi na nga ako mag lunch para lang masiguradong ayos ang lahat at makauwi ako agad.

Parang bumalik na rin sa normal ang pagsasama namin ni yoyon. Masayahin na sya ulit. Kaso pag andyan lang yung dalawang bata. Pag kaming dalawa na lang ang gising, tahimik na sya ulit. Minsan, sa gabi, nagkakaron kami ng time na sa amin lang mag-asawa. Pero after non, matutulog na sya agad. Hindi na sya masyadong nakikipagkwentuhan sa akin. Siguro kasi pagod.

Lunes ngayon. Sakto dalawang linggo bago ang araw ng pasko. wala kaming pasok. Ngayon kasi ang araw ng barangay elections. Umaga pa lang, buong pamilya kaming pumunta sa elementary school para bumoto. Ewan ko ba sa partido ni tatay kung bakit pati si kobe kailangan andon. Para sa photo op daw. jusko. Binitbit ko na lang din.

Si nanay naka yellow dress. pak na pak.

"mukha na ba kong si korina, boy?" tanong nya kay tatay bago kami sumakay ng pick-up.

"hindi nay. mukha kang saba." sagot naman ni kuya ben.

"ahahaha." tawanan kaming lahat.

"grabe ka kuya, pumayat na kaya si nanay. señorita naman!" sabi naman ni kuya sam.

"ahahahaha."

si nanay hindi natatawa.

"hoy! wag nyong ganyanin yang asawa ko ha!"

"naks naman!" kantyaw naming lahat kay tatay.

"alam nyong paborito ko ang maruya."

"wahahahaaha."

"tara na! sayang yung boto ko, isang puntos din yun sa kalaban mo." hindi rin talaga papatalo tong nanay ko. tawanan kami ulit.

Pati si tita nene andito. Ang dami naming flying voters. Pati si Batchi dito na rin sa kamuning naka rehistro. Hinabol ko pa yung sa akin kasi ang daming requirements pag dual citizen. Eh yung kanila yoyon matagal nang ayos, simula pa nung una silang bumoto.

Pagkatapos naming bumoto, nag stay pa kami dun sa elementary. May pakain pa yung partido ni tatay. Kasama namin sila kap tsaka yung ibang tumatakbong kagawad. Nagulat ako, sikat pala si jewel dito. Lahat halos ng dumadaan, binabati sya. Sila ni yoyon. Sabi ng mga tao, pag nanalo daw si tatay, hindi daw si nanay kundi sya ang magiging first lady ng Kamuning. Parang pulitiko din si Jewel, lahat nginingitian at kinakawayan.

"galula fo chelman!" sigaw pa nya sa mga dumadaan.

"team galula! team galula!"

Tawa lang kami ng tawa nila bestie. Pati yung mga tao galing city hall, kilala sya. Pag pinapakilala nga ko ni nanay sa kanila sasabihin nya;

"bunso namin, si glaiza. sya ang asawa ni yoyon, ni Arr-di."

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon