Pagkagising ko kinabukasan, inutusan agad ako ni mommy na magsauli ng apat na kaldero sa mga kapit-bahay. Ang dami kasing ulam dito sa bahay kagabi, itong glaiza apat na takal lang yung sinaing. no rice daw kasi sila ni ate itong kapaskohan. So yung mga kapitbahay na dito chumibog, BYOK. bring your own kanin.
Paglabas ko ng garahe bitbit ang mga kaldero, andun si batchi.
"yon."
"oy." tinanguan ko sya.
"tara, tulungan na kita." sabi nya.
"ha? oh sige." inabot ko sa kanya yung dalawang kaldero.
"kila ferdz daw yan. yang isa, kila idok." sabi ko.
"ah oh sige. ah. yon, gusto sana kitang makausap."
"teka. balik ko lang 'to. balik mo rin muna yan." sagot ko. naglakad na kami palabas para pumunta sa mga naki-chibog naming kapitbahay kagabi. hindi man lang nagawang iuwi yung mga kaldero nila. sila mommy pa talaga ang pinaghugas. ayoko sanang isauli dahil sigurado namang susunduin nila sa bahay yang mga kalderong yan pag oras na ng saing. eh mapilit si mommy.
pagbalik ko sa garahe, andun na si batchi.
"ano ba yun?" tanong ko sa kanya.
"gusto ko sana pag-usapan yung tungkol dito sa bahay nyo."
"oh anong tungkol dito?"
"kasi si nadine gusto na dito kami tumira."
"oo, bahay nya 'to eh."
"yun nga eh. ah. ok lang ba sa'yo?"
"na ano?"
"na dito kami tumira."
"eh dito naman na kayo nakatira ah." ang arte talaga nito.
"right. uhm. well. what i wanted sana kasi is kumuha ng bahay namin sarili. ofcourse, ah.. once may baby na kami. eh kaso gusto ni nadz dito mag stay."
"oh eh sinong masusunod sa inyong dalawa?" tanong ko.
"sya."
"yun naman pala eh."
"yeah but..."
"ano?"
"well, I just wanted to ask you kung ok lang na dito kami tumira ng magiging pamilya ko."
"syempre. bahay ni ate 'to eh. sa kanya 'to binigay ni daddy nung namatay sya. sa akin ang binigay, yung owner. putol pa yung clutch tsaka paso yung rehistro. hahaha." tumawa na lang ako. para less tension.
"hahaha. ok. well, i just wanted to make sure na ok lang sa'yo."
"oo nga. ano ka ba! ayos lang yun, tol."
"ah ok. thanks. uhm. tol"
"ano lang sana..."
"yes?"
"alam mo naman siguro na gusto namin ni glaiza kunin yung lote sa harap ng talyer. gusto namin magpatyo ng bahay namin don. so, si mommy..."
"kami na bahala sa kanya. gusto ni nadz na magkasama sila."
"ok. mabuti nagkakaintindihan tayo. ayaw nya kasi umalis dito sa bahay ni daddy eh. pero sa mga pang gastos naman nya pwede namang ako—"
"no. ok lang. sa amin na rin yun. ako na bahala."
![](https://img.wattpad.com/cover/85086481-288-k335921.jpg)
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
Fiksi PenggemarRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.