Ala-una na ng madaling araw. tahimik na rin sa tapat. salamat naman at natapos na rin ang mga nagiinuman.
"Glai..." tawag ni nadine habang kumakatok sa pinto dito sa kwarto nila nanay. Dito na kami nahiga ni Jewel dahil halos hindi na matulugan ng tao ang kwarto ko sa taas. Sobrang dumi na nito at kung ano-anong kalat ni kuya ben ang nasa kama kaya hindi ko maaring pahigain si baby doon. Sila Tatay tuloy ay kinailangan maglatag sa sahig para may mahigaan kaming mag-ina.
Agad naman akong tumayo ng marinig ko ang bestfriend kong kumakatok.
"bes..." bati ko dito pagbukas ko ng pinto.
"bes... pinapasundo na kayo ni yoyon."
"pakisabi bukas na lang. tulog na rin sila nanay oh. baka maistorbo pa ang tulog nila." sagot ko habang binubuksan ng mas malawak ang pinto sa kwarto para makita ni nadz na natutulog na nga sila nanay.
"naku bes. magwawala yun! natatakot ako..." bulong nya.
"hindi yan. lasing na ba?"
"oo, eh. anong sasabihin ko?"
"sabihin mo tulog na kami."
"bes, wag mo na kasi silang pinagpapansin... ayan sinasabi ko sa'yo, lagi kang pinangungunahan ng emosyon mo."
tinanguan ko lang ito.
"oh sige na, umuwi kayo bukas ha." pagpapaalam nya at tuluyan na itong umalis.
.
.
Sya pa talagang may ganang magwala.
Kanina paglabas ko nakita kong andun ang tatay at kapatid ni heart.
Pinakilala naman kami ni yoyon bilang asawa't anak nya. Hindi rin naman ako pinalaking bastos kaya bumati pa ko sa kanila. Pero hindi man lang ako tinignan ng mga ito. Nagkumento lang sila na maganda daw ang anak namin. At ang magaling kong asawa, nagutos pang ipaghain ko daw sila. Manigas sya. Binawi ko si baby sa pagkaka karga nya at diretcho kaming umuwi dito sa tapat.
Bumalik na ko sa pagkakahiga katabi ni Jewel at tinitigan ang maamo nyang mukha.
hindi man lang tayo masundo ni dada mo, nak.
Baka gusto nya ng sumama ulit dun sa mga Ongpauco.
Siguro kung hindi namatay si heart, sila ang magkasama ngayon. Malamang hindi sya babalik sa akin. Ang bigat bigat ng loob ko. Araw-araw pa kong pinagtsitsismisan sa opisina. Kung ano-anong kwento ang tinatahi ng mga tao sa paligid. Ang pinakamatindi kong narinig ay ang pinagplanuhan daw namin ni yoyon si heart. Para maiwanan daw kami nito ng pera nang mamatay ito. Kung alam lang nila.
Si Jewel na lang ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. She's my reason for living now. Kaya kahit anong hirap ko sa trabaho, hindi ako bibitaw para mabigyan ko sya ng magandang buhay. kung sakaling tuluyan man kaming iwan ni Rhian. Parang pinipiga ang dibdib ko sa naiisip. Sabi ni Nadine tigilan ko daw ang pagiimagine ng kung ano-ano. pero hindi ko mapigilan. Natatakot ako.
Pinakasalan nya na ko. May anak na rin kami. Pero bakit parang hindi ako makuntento. Pakiramdam ko sa isang iglap, bigla syang mawawala sa akin.
Siguro talagang si Heart ang mahal nya. Ang sakit naman nito.
Ayoko ng mag-isip. Pero hindi ko talaga maiwasan.
Baka kasi siguro talagang may ginagawa syang mali. Woman's instinct. Hindi kaya may ibang babae?
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanficRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.