13

4.9K 180 18
                                    

"tol, diba sinabi ko huwag nating unahan!"

"oo nga. wala naman akong ginawa ah." sagot ni bentot.

"eh ba't nawawala? asan sya?"

"aba! malay ko. ba't ako pagbibintangan mo?"

"tsk."

"huwag mo ng problemahin ang mga bagay na hindi mo dapat pinoproblema." nagulat ako nang biglang nagsalita si tatay mula sa likod ko. nandito kami ngayon ni ben sa garahe ng talyer at nagpapalit ng oil filter ng sasakyan. hindi ko namalayan ang pagdating nya. Sadyang magaan kasi ang paa ng tatay boy ni Glaiza. Minsan hindi namin alam kung andyan na ba sya, nakikinig sa usapan. Dati itong assigned sa intelligence division ng AFP kaya may pagka misteryoso. Kaya kahit kailan hindi ko tinangkang magsinungaling dito. Kasi pag nagtatanong sya, kadalasan alam nya na ang sagot. Inaalam lang nya kung anong isasagot mo.

"tay?"

"nasaan si jewel?"

"na... nasa loob po ng shop, tay." sagot ko. nagsimula na itong maglakad papasok ng auto shop pero hinabol ko ito.

"tay!"

humarap naman sya sa akin.

"tay... ah... may... may alam po ba kayo sa... sa..."

nakatitig lang ito sa akin, kalmado ang mukha at naghihintay nang aking sasabihin. limang araw nang nawawala si tomy na ex pulis. dalawang araw pagkatapos sabihin ni jimboy ang narinig nya sa amin, hindi na daw ito umuwi sa talyer. doon siya nakatira kasama ang kakambal nitong mekaniko.

"madaliin mo na ang pag-alis nyo nang mag-ina mo. kami nang bahala dito." tumingin pa ito sa likod nya at sa paligid bago nagsalita.

"tay... gusto ko lang malaman... kung may kinalaman ba kayo sa..."

"yoyo!" "tay!" sigaw naman ng mag-ina ko mula sa loob ng auto shop.

ngumiti si tatay at unti-unting tumalikod para harapin sila glaiza.

"hello mga princess!"

"yoyo!" at tumakbo naman si jewel palapit sa kanya. yumakap pa ito sa paa ng matanda.

"napadalaw kayo, tay?" tanong naman ni glaiza ng makalapit sa amin.

"naglalakad lakad lang. exercise."

"ming ming, yoyo. ming ming." sigaw ni jewel habang tinuturo sa matanda ang pusang gala. tinatanguan lang sya nito pero hawak pa rin sya para hindi makatakbo at habulin ang pusa.

"ah, ok. pauwi na rin kami eh. dadaan lang kami dyan sa talipapa, bibili akong patatas."

"oh tara sabay na tayo." yaya ni tatay kay lab.

"pano lab, pag tapos nyan, umuwi ka na rin ha." bilin naman ni lab. lumapit pa ito sa akin para humalik.

umupo ako para makapantay si jewel.

"kiss muna dada, beh."

lumapit naman ito sa akin at yumakap. halos matumba ako sa bigat. hindi ko mahawakan kasi madumi ang kamay ko.

"dalhin nyo na yung pick-up, tay." sabi ko sabay abot ng susi sa matanda. kinuha naman nya ito at naglakad na palapit sa sasakyan.

"oh sige. sumunod ka na agad lab ha. baka saan saan ka pa dumaan."

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon