Buti na lang natapos agad ang meeting with the race organizer ngayong araw na to. 3:30 pa lang. kayang kaya to. Batangas to Kamuning. Alas-5 na sa bangko na ko. Dalawang linggo ko na hindi nasusundo si Glaiza. Pag weekend naman na wala kong meeting with the sponsors, na sa talyer naman ako. Ang pinaka badtrip pa sa lahat is yung pag-uuwi ako sa gabi, tulog na yung dalawang bata. Tangina. Pag alis ko, tulog pa. Pag dating ko, tulog na. anebenemen yen! Pero ayos lang. para sa kanila naman to.
Swerteng taliwas sa traffic ang byahe. Wala pang alas-singko, andito na ko sa bangko. Kasama ko si kobe, dinaanan ko sa bahay. Si Jewel hindi ko na nadaanan sa school. May service naman sya. At pag tinangka kong suungin ang traffic mula katipunan hanggang kamuning, ngangers. Suicide ang pagtawid sa EDSA during rush hour. Hindi ko maaabutan itong asawa ko dito. Pinarada ko ang pick up sa vape shop sa harap ng opisina ni Glaiza. Yun kasing reserved na parking para sa akin dati, gamit na nung kotseng assigned sa kanya ng opisina. Bigtime na yan si mama. Na confirm na kasi sya bilang branch manager. Kaya may pa-innova na ang bangko sa kanya. May pa-driver pa. Hatid-sundo sya sa bahay tsaka sa mga lakad nya. Pero hangga't maari, pinipilit ko pa rin na mahatid sya sa umaga or masundo sa hapon.
"Mama! Mama!" nagmamadali naman 'tong bunso ko.
"relax ka lang, nak. Chill!" Sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko sya pababa ng pick-up. Behave naman sya sa sasakyan pag kaming dalawa lang. Yun nga lang, pag dating dito, parang sinisilihan ang pwet. Alam nya kasing nasa opsina na kami ng mama nya. Excited na excited.
Hindi ko tinext si Glaiza na masusundo ko sya ngayon. Para sana surprise. Tsaka if ever na hindi ako umabot dahil sa traffic, atleast hindi sasama loob nya.
.
Pag pasok namin sa bangko, biglang lumapad ang ngiti sa mukha ni boylaz, driver ni Glaiza. Tuwang tuwa 'to pag nakikita ako eh. Ibig sabihin kasi non, makakauwi sya agad. Dalawa daw kasi ang misis na inuuwian nito. Ewan ko lang kung totoo. Hindi naman kasi ka pogian. Chinika lang sa 'kin ni Glaiza. Chinika daw sa kanya nung isang clerk. Biniro ko sya kung yan ba ang ginagawa nila sa bangko buong araw, mag tsismisan tungkol sa buhay ng may buhay. Napikon. Tumalikod. Sinuyo ko. Sabi ko, joke lang. Buti hindi gaano bad mood.
"hindi kami during office hours nagkwekwentuhan noh! May group chat kaya kami!" palusot pa.
Tinuloy pa rin naman yung kwento. Kunwari na lang interested ako.
.
Hindi muna ko pumasok sa mismong opisina ni Glaiza. Pinauna ko si Kobe na kanina pa atat na atat. Tumayo lang ako dito sa may gilid ng pinto. Pinanuod ko lang sila. Si glaiza nakatutok lang sa laptop nya. Hindi namalayan na nasa gilid na nya yung anak nya.
"MAMA!" sigaw ni kobe.
"AY KWAGO!" gulat na sigaw ni glaiza sabay lingon sa bunso namin na nakatayo sa kaliwa nya. Lumaki yung mata na parang... ayon na nga, kwago.
"mama..."
"hello pumkin!!! Who's with you? Dada?" tili nya sabay yakap sa bata. Pumasok na ko. Lumapit at humalik sa kanya.
"hi lab!" bati ko.
"hello! Na surprise naman daw ako!" sagot nya habang pinupunasan ang lipstick stain nya sa gilid ng labi ko.
"maaga kami natapos eh."
"mama watch! mama!" si kobe inaabot yung laptop ni lab. Naka kalong sya sa mama nya.
"ay no, pumpkin. That's mama's work." Sagot sa kanya ni glaiza habang yakap yakap ito.
"wait lang, lab. Save ko lang 'to. Alis na tayo. Si jewel hindi mo nadaanan?" baling naman nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanficRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.