49

5K 161 68
                                    


It's been a week since umalis sila bestie. Kami lang apat ang tao sa bahay. Hindi na ko nakakapagluto sa gabi. Nung unang mga araw, sa labas kami kumakain apat pagkasundo nila sa akin. Eh kaso syempre kailangan na rin namin magtipid. After naming bayaran yung lote, biglang payat ang savings namin ni yoyon. Kaya ang ginagawa ko, nagbibigay ako kay nanay ng pambili ng ulam for dinner tapos doon kami kumakain sa tapat. Bumabawi naman ako, sa umaga, mas maaga ako gumigising para malutuan ko sila ng almusal.

Mas mahirap para kay yoyon. Hindi nya kasi pwedeng palaging iwan si kobe kanila nanay. Minsan kasi si nanay kailangan puntahan si tatay sa barangay. So sa tanghali, kukunin nya ulit si kobe don tapos sinasama nya sa talyer. Si Jewel after sa school, uuwi din don sa tapat para magbihis tsaka gumawa ng assignment. Tapos diretso sa barangay. May folding bed na din sya don sa office of the chairman. Pinapa tulog kasi ni tatay sa hapon.

Marami pa namang gagawin si dada ngayon. Kasi inaasikaso nya yung pagkakabit ng kureyente sa lote. Although hindi pa naman namin agad agad mapapatayuan ng bahay, gusto na namin agad palagyan ng kureyente. Para magamit din yung space, maka gawa din don. Kaysa naka tengga yung mga ibang tanggap nilang sasakyan. Marami namang tao si lab sa talyer. Space lang talaga yung problema. Atleast pag may kureyente na, mas mapapabilis ang repair at ang pag release ng mga sasakyan sa may-ari.

May pader na rin naman yun tsaka gate. lalagyan na lang ng yero para may bubong temporarily.

Marami namang loan options para magka bahay. Una na yung in-house financing schemes ng mga developers. hindi ito applicable sa amin ni yoyon kasi hindi naman house & lot from a developer ang kukunin namin.

So dalawa ang option namin. Bank housing loan or sa PAG-IBIG.

Sa bangko, pwede namin gawing collateral yung lupa para makapag loan ng ipagpapagawa namin ng bahay. Maraming requirements pero madali naman na yun in our case since I work here.

Sa pag-ibig naman, mas maganda sana. kasi syempre, government funded program. Mas mababa ang interest. Kaso mas maraming requirements para sa amin kasi hindi naman nirerecognize dito ang kasal namin ni dada. So kailangan pa namin ng documentation na nagsasaad na binebenta nya sa akin yung rights ng lote kung nasa pangalan nya or the other way around kung nasa pangalan ko. But we opted to have the lot in both of our names. So it will complicate the loan. pero ayos lang. eh di wag nila kaming pautangin kung ayaw nila. kilig na kilig pa rin ako. First conjugal property namin 'to ni yoyon ko!

haha. kung maka first akala mo may second at third.

Pero kahit ito lang mapupundar namin, proud na proud pa rin ako. Hindi naman kasi namin 'to hiningi sa ibang tao. Hindi namin minana. Pinaghirapan namin 'to ng kaming dalawa lang.

Pagkasundo nila sa akin, pinaliwanag ko kay yoyon yung options namin.

"teka mama. so, ang option lang natin is yung sa bangko?"

"oo, lab. mas mabilis pa dito yung term. 5, 10 or 15 years. mas maganda kung mas maiksi kasi mas konti yung ibabayad sa interest. yun nga lang mas mabigat yung monthly natin."

"ayoko, ma."

"anong ayaw mo?"

"ayokong mangutang."

"eh... papano tayo magkakabahay?"

"mag-ipon tayo."

"ha? ke-kailan pa yun?"

"ewan ko. yung ihuhulog mo ng 5 years, ipunin mo. wala ka pang interest."

shocks. tama rin naman sya. kaso kailan pa yun? ibig sabihin 5 years pa bago masisimulan ang bahay ko?

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon