Tumawid muna ko dito kanila Tatay sa tapat. Medyo naiinis nanaman kasi ako kay Rhian. Eh ayoko namang awayin. Ilang araw lang sya dito at gusto kong sulitin ang panahon na kasama namin sya bago lumipad pa Taiwan. Lately, ang bilis ko talagang mainis pero alam ko naman sa sarili ko na mababaw yung iniinarte ko kaya ilang sandali lang nagiging kalmado na ulit ako. Kailangan ko lang magpalamig ng konti.
Kasalukuyang gumagawa si Nanay ng Chicken Macaroni Salad. Favorite ko 'to eh. Excited na ko. Nasa kusina sya, naghihimay ng manok. Katabi nya si Tatay na kalong si Jewel na panay din ang subo sa hinimay na manok.
"princess, ilalagay natin yan sa salad." malambing na pag-awat sa kanya ni nanay.
"maglaga ka na lang ulit ng isa pang petcho. kita mong sarap na sarap yung bata, pipigilan mo." si tatay, as always, to the rescue sa bata. Tuwang tuwa pang pinagmamasdan si Jewel na nilalantakan yung sahog sa salad ko. Pakiramdam ko minsan, nagiging spoiled na si Jewel sa kanila. Kaya nagiging malditang katulad ko.
"beh, tigilan mo na yan, itong pandesal kainin mo oh." inabot ko sa kanya ang tinapay na may cheese whiz.
umiling lang ang bata at dumampot ulit ng hinimay na manok.
"tsk. hindi ka susunod?" tinarayan ko na.
Nagsimulang manginig ang labi. Pa victim!
"ano ba yan glaiza!" aba't ako na ang inaaway ni tatay.
"hayaan mo na. papabili na lang tayo ng isa pa. sige na baby, subo pa." sabi ni nanay. tag team pa ang support ni Jewel. Parang naagaw na talaga sa akin ang korona sa bahay na to. May iba na silang primadonna.
Napapailing na lang ako. Masaya naman ako na mahal na mahal nila ang anak ko. Kaso, OA.
"BENJAMIN!!!" sigaw ni nanay na parang sirena ng ambulansya.
"oh!"
"takbo ka nga ng manok dyan sa talipapa. yung petcho ha."
"kulang pa ba yan? abaaaa!! ginawa mo pa lang pulutan eh!" pagbibiro nito sa anak ko. at humalik pa to sa pisngi ng bata.
"sino munang pogi?"
"totosam" nakangising sagot ni Jewel.
"aba'y!"
"ahahahaha." tawanan sila tatay.
"totoben!" pagbawi nya. tumawa pa. lalong lumakas ang tawanan nila nanay. marunong tong batang to. utong uto nya ang mga tao dito sa bahay sa ka cute-an nya.
"ganon ah! ganon ah!" tinusok tusok naman ni kuya ang tagiliran ng bata dahilan para makiliti ito at humalakhak. nagtititili pa. Ang sarap sa tenga ng tawa nya.
"tama na yan beh, halika na, hanap na tayo ni dada." pagyaya ko dito.
"bunso, andyan cellphone mo?" sabi ni kuya pagka-dampot nya ng isang daan sa lamesa pambili ng manok.
"oo. bakit?"
"i-facebook mo nga. sabi ni lovi may picture daw na pinost si julie ann eh."
Biglang natahimik sila nanay.
"kuya..."
"titignan ko lang. pasko naman. balato nyo na sakin to."
"ben." sabi naman ni tatay.
"sabi ni lovi kamukhang kamukha daw ni glaiza eh."
"tignan mo nga glai!" sabat naman ni nanay at tumayo pa ito at pumunta sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanfictionRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.