26

5K 174 40
                                    

Pagdating namin sa bahay, nilagay na ni Glaiza yung tocino sa ref. Umakyat ako at kumuha ng twalya para maligo.

"oh! talagang kailangan bagong ligo?"

"lab, diba nagpagupit ako? nangangati ako. kung ano ano nanamang iniisip mo." sagot ko habang papasok ng CR. Naiinis ako kay Glaiza, wala naman kasing basis yang pagseselos nya. Halos hindi ko na nga alisin yung paningin ko sa kanya.

Pagkabihis, kinuha ko lang yung listahan ng materyales at umalis na kami agad papuntang hardware. Sana wala dun si Lovi para walang gulo.

.

"tara na." sabi ko kay Lab pagparada ko sa harap ng hardware.

"mauna ka na."

"patayin mo makina pagbaba mo ha. wag mong iwan susi." sabi ko sa kanya habang pababa ng pick-up.

Naglakad ako papuntang hardware at swerte namang wala si Lovi don. Si Aling Susan, yung step mother nya ang bantay ngayon.

"oh yon! congratulations ha! nakita kita sa balita. ano sa'tin?"

"ay salamat po. ito po oh." inabot ko sa matanda ang listahan ng mga kailangang orderin.

"papagawa kang bahay mo?" tanong nya habang nilalagyan ng presyo ang mga items sa listahan. nagpipipindot din ito sa calculator.

"may papaayos lang po sa bahay ni mommy."

Patango tango naman ito.

"naku yon! nagmahal ang graba ngayon. sayang, sana last month ka umorder." sabi nya habang nagsusulat pa rin.

"sayang naman po." sagot ko lang. andito lang ako nakatayo sa harap ng hardware.

maya-maya pa, pumarada ang isang hot pink na scooter. Patay! On instinct, napatingin ako kay glaiza na naiwan sa sasakyan. Nakayuko ito at hindi nakita ang pagdating ni lovi.

"sweetie pie!" bati ni lovi pagbaba ng scooter. bitbit nito ang isang maliit na bag ng baunan. tanghalian ata ni aling susan.

"uy!" tinanguan ko lang sya.

"kamusta ka na? miss mo na ko? hahaha" sabi pa nya. pinatong nya yung bag sa counter pero hindi ito pumasok sa loob. andito lang sya sa harap ko.

"hahaha. baliw! may inorder lang ako. musta na?" sagot ko.

"ito, maganda pa rin. alam ba ng misis mo na andito ka, baka mamaya dyan may humablot na lang bigla sa buhok ko ha. bagong rebond pa naman ako."

"hahaha." tawanan kaming dalawa. ok naman kasi kami. magkaibigan talaga kami dati pa. hindi ko na nga lang sya nakakausap na dahil si Glaiza masyadong selosa. Hindi nya magegets na yung mga nangyari sa amin ni Lovi dati, eh no strings attached. Hindi naman kasi sya ganon kaya hindi nya maiintindihan. Ako na lang din yung umiwas para walang gulo.

Nakakamiss din kakulitan nito ni Lovi. Hindi nga lang kami nag work out noon as lovers kasi inlove talaga ko noon kay Glaiza. Lalo ngayon. Pero naging magkaibigan kami after namin mag break. Friends/Ex with benefits. Naalala ko dati nga lagi pa namin pinagkwekwentuhan si Lab. Aasarin nya ko na wala daw akong pag-asa dito. Pero pag nalulungkot ako sa tuwing dinededma ako noon ni Glaiza, kino-comfort naman nya ko. Yun nga lang, sa pamamagitan ng boobs nya. hehe. Speaking of which, naka spaghetti strap lang ito ngayon. Parang may pwet ng bata. Sumisilip. Ang iksi pa ng shorts. Sexy talaga ni Lovi. Hanggang tingin na lang ako. Baka mabugahan ng apoy.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon