56

4.3K 193 39
                                    


RHIAN'S POV


Hindi nagsasalita si Glaiza. Mula bahay hanggang simbahan hanggang dito sa bakery ni Mang Norman kung saan ang reception, dedma si mama.

Bilib din ako dito kay shahid. Kapal ng mukha. Hindi nya yata narerealize na kami yung mga kausap nya sa presinto. Engot naman nito. Panay pa ang ngisi kay Lab. Kaya lalong nang gagalaiti ito eh.

"Bunso, ok ka lang ba? Parang hindi ka nasasarapan sa leche flan. Diba paborito mo yan?" isa pa tong byenan kong babae. Parang may palaro dito. Most insensitive award.

"sarap po leche flan. Malinamnam." Epal ni Shahid.

"talaga? Masarap? Gusto mo ikuha pa kita." Ang sweet naman ni sanya. Puta. Haha

"leche!" si Glaiza hindi na napigilan sarili nya. Pagtingin ko sa platito nya, yung leche flan durog durog na. Doon nya binubuhos yung bwisit nya dito kay Shahid at Sanya.

Paglingon ko, lahat pala kami sa lamesa nakatingin na sa platito ni Glaiza.

"Ma! Uwi mo muna kaya si kobe. Antok na yan oh." Sabi ko. Tumingin sa akin sabay irap. Si kobe na nakakalong sa kanya panay na ang bagsak ng talukap ng mata.

"kung gusto mo lang..." dagdag ko. Sabay kindat kay jewel na nakaupo naman sa lap ko. Ngiti naman sya. Nagkakaintindihan na kaming dalawa sa topak nitong si Glaiza.

"bestie!" tawag ni glaiza kay ate. Akala mo ang layo layo. Magkatabi lang naman sila. As usual.

Bitbit ni Ate si otchoy, anak nila ni Batchi. Hindi nagpapababa to eh. Dapat lagi lang syang karga. Extra challenge nga. Obese kasi tong batang to. Ilang buwan pa lang yan pero yung timbang pang isang taon na. Sa tabi ni Ate, si batchi.

"tara na, bok." Matic. May ganon talaga si lab at si ate. Hindi ko naman narinig na nagyaya si glaiza pero alam na ni ate nadz ang ibig nyang sabihin. Friendship goals. Bakit kami ng bestfriend kong si ferdie, walang ganyan? Lahat kasi dapat iispell pa kay ferds eh. Ultimo yung pag bigay ng presyo ng pyesa sa mga customer. Minsan kahit anong kindat ko, magtatanong pa kung napuwing ba daw ako. Sa harap ng customer yun ha. Kung hindi ba isa't kalahating engot talaga.

Going back, asan na ba ko? Ayun! Sa binyag....

Syempre, tayo na rin si batchi.

"una na kami, nay. Kayo dada?"

"dito muna kami, lab" naramdaman kong humigpit ang kapit ni jewel sa leeg ko. Isa rin to eh. Ayaw pang umuwi. Trip na trip nya pang makipag chikahan sa mga tao dito.

"oh ubusin nyo to." Sabay abot ng durog-durog nyang leche flan. Yuck.

"ha?" tanong ko.

"ubusin nyo to. Sayang eh."

"jewel, anak, ubusin mo daw."

"eewww dada. Parang vomit." Pabulong na reklamo nitong bata.

"sshhh. Wag kang maingay." Sagot ko.

"sige na lab, ako na bahala. Kakainin ko yan." Sagot ko kay glaiza.

"ubusin nyo yan ha." Bilin ni glaiza bago sila umalis. Nagpaalam na kay mang norman. At sa pamilya ni ruru bago lumabas ng gate.

"yes!" tuwang tuwa ang jewel. Hindi sya pinasabay ni Glaiza sa kanya umuwi. Tumalon agad mula sa pagkakakalong sa akin at pumunta dun sa mga tropa nya. Mga anak din ng taga dito sa kamuning.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon