Alas onse nang maiparada ko ang pick-up sa tapat ng bahay. Sa harap ng tindahan, nagiinuman si Ferdie at Benjie. Hindi ko pa nakausap itong kumpare ko tungkol sa mga panabong kong manok mula nang dumating ako kahapon. Hindi pa ko nakahanap ng tyempo. Sabi ni Lab namatay daw yung isa. Ang laki na pa naman ng gastos ko dun. Hirap pa naman ngayon makadiskarte at lalong humigpit si Glaiza sa pera at manganganak sya. Tama na rin siguro yun. Para matigilan ko na rin tong pag sasabong ko. Konting halaga lang naman pero syempre mas kailangan yun ng mga bata.
"Gising pa si mommy, te oh. bukas pa yung ilaw sa tindahan." sabi ko kay ate nadine na nakaupo sa likod. kinakau-kausap ko para maaliw.
"Eh papano naloloka yan sa panonood ng koreanovela. Tsaka yang mga barkada mo oh, nagiinom pa dyan." sagot naman nya.
"Pagsabihan mo yang mga yan, dada. Pati yan si Kuya. Bawal na ngayon yang nagiinom sa labas ng gutter. Pagsabihan mo dahil pag nahuli yan, alam mo na kung san yan uutang ng pang pyansa."
"grabe ka naman, lab." sabi ko habang inaalalayan si Jewel pababa ng pick-up. Ito talaga si Glaiza. Yun talaga yung naisip nya.
"tignan mo glaiza, hindi maubos. ba't kasi ang laki-laki ng binili mo? Baka mamaga lalamunan nito." Pagtukoy ko sa inuming bitbit ni Jewel.
"Si Marian bumili nyan. Hindi ko naman alam na venti binili nya eh. tama na yan, beh." sagot naman ni Lab.
"May bubuhatin ba tol?" tanong ni ferdz at bentot ng makita kaming pababa ng sasakyan.
"wala. nag joyride lang kami." sagot ko at tumango lang ang dalawa. tuloy pa rin sa inom.
"Nongnong Pudi! Frap ako!" Nagyabang pa ang Jewel habang naglalakad papasok ng gate. Pinakita pa nya kay ferdz yung iniinom nya.
"Wow behbeh! Ang laki ng iskrambol mo ah!" Gagong ferdie 'to. Ang lakas pa naman ng boses.
Patawa tawa lang si lab at ate na pumasok sa gate. Nakitambay muna ko dito sa kanila sa labas.
"mommy! penge nga akong isang stallion dyan. pampaantok lang." sigaw ko sa bintana ng tindahan.
"trenta." sagot ni mommy habang hindi tinatanggal ang mata sa TV na nakapwesto sa loob ng tindahan. Sa pagkakaalala ko, ako bumili nyang TV na yan eh.
"tsk. mamaya ko na ibibigay. sige na."
"ano ba yan anak, wala ka man lang trenta!" habang inaabot ang isang bote. andun pa rin ang mata sa TV.
"May pera ko. Nakaintrega na sa mga apo mo." sagot ko. hindi naman na nya ko pinansin. Buti nga at bukod kay Jewel at sa paminsan minsang pag bi-bingo, may kinakaaliwan na syang bago. Yang panonood nya. Sabi ni lab, nakakaabot pa daw yan ng divisoria mag-isa para bumili ng mga pirated na DVDs. Sinabihan ni Ate na magdownload na lang at i-save sa USB. Ayaw naman, hindi daw sya marunong. Hindi rin naman sya pwedeng samahan ni Glaiza sa Divisoria at maraming tao, siksikan. Ngayon daw, si nanay christy ang sumasama sa kanya. Sabi ni sam pareho na daw silang nabaliw dyan kay Song Joong-ki.
"Pre, sayang talaga yung manok!" Inunahan na ko nito ni Ferdie. Si Bentot patawa tawa lang.
"sira ulo ka eh." sagot ko.
"Yon, mamatay man ako! minouth to mouth ko pa nga, talagang mahina na!"
"kadiri ka."
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanfictionRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.