14

5.4K 196 29
                                    


Nasa grocery si mommy para bumili ng mga bilin ni Aunt Marge at ng mga anak nito na dried mangoes at Chicharon kaya kami muna ni Bestie ang tao dito sa tindahan. Naka leave sya hanggang bukas para tulungan akong mag-ayos ng mga gamit namin at ihatid kami sa airport. Halos tapos na kami mag impake at yung konting pasalubong na lang namin ang hinihintay ko para masarado ko na yung maleta. Kasalukuyan akong binubunutan ni Nadz ng buhok sa kili-kili habang si jewel naman ay naglalaro sa tabi namin.

"naiirita na talaga ko sa kanya, bes. pag nakakasalubong ko, sa boobey ko nakatingin. manyakis!" reklamo nya sa 'kin.

"hahaha. baka naman nagkakataon lang. mabait naman yun."

"ay nako! everyday ganon? kabila naman." lipat kami sa left armpit ko.

"eh di tarayan mo. pakita mo na napapansin mo yung ginagawa nya. kay jaime, ano nang balita?"

"sus. tuod na yun. wala. ganon pa rin. naiinis talaga ko dun kay batchi. ang angas pa, feeling nya talaga!"

"nako bes! ganyan kami nagsimula ni yoyon. ahahaha."

"yuck bestie! no! straight ako noh!"

"my god bes! sinabi ko rin yan. mga one hundred times. aray! ang sakit, nadine ha! nung ikaw kanina, ang ayos ng pagbunot ko!"

"eh ang kulit mo kasi. beh, wag ka dyan!" sita naman nito kay jewel.

"jewel! anak, dito ka lang. bugawin mo nga yung pusa, bes."

"shoo shoo! ano beh, gusto mo maging betirenaryo?"

"pinapakain kasi ng pinapakain yan ni yoyon kaya tumatambay dito eh." pagtukoy ko sa pusang gala.

"bes, sabi pala ni yoyon, kuha daw ako ng pambayad sa kureyente dun sa pera ha."

"oo naman. pati gamot ni mommy." sagot ko sa kanya. usapan kasi nila ni kuya sam na gabi-gabi ihahatid dito kay nadz yung kita ng talyer.

"tsaka sinabi din nya na bigyan daw si ferdie ng isang libo sa katapusan pambili ng pagkain ng manok."

"ay hindi! wag mong bigyan. hayaan mong mamatay! pa sabong sabong akala mo hindi pamilyado!"

"oo nga! sabi ko na nga ba eh. kasi kung hindi kanya yung mga manok, ba't sya magbibigay ng pambili ng pagkain. tsaka nakita ko sya sa tapat nila ferdie, hinihimas himas pa nya!"

"alam kong kanya talaga yun! nananaginip yan, lodyis-lodyis daw. tinanong ko pa, kahit tulog, sagutin ba naman ako 'wag ka maingay kay glaiza' gago!"

"ahahahaha! abno talaga 'tong kapatid ko. alam nya na alam mo?"

"hindi ko sya kinukumpronta. pero iniipit-ipit ko. lalo pag talo. hahanapan ko sya ng pera. hayaan mo sya mamaluktot."

"hahaha. gaga ka! nakakatawa pa naman si yoyon pag nagsisinungaling."

"kaya nga eh. kaya nga pinagtritripan ko. pag sumobra na, tsaka ko sya patitigilin. pinababayaan ko mag enjoy, tapos tatarantahin ko ng tanong. hahaha. nakakatawa talaga! pa utal-utal."

"potchi plish!" sigaw naman ni jewel.

"malulugi na si lola sa'yo, beh." sabi ni nadz habang binubuksan ang garapon. kumuha ito ng isang potchi, binalatan at binigay kay jewel.

"anong sasabihin mo?" tanong ko sa anak ko.

"ten you, meshyii."

"tita ninang!" sabay pa kami ni nadz.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon