"ate, do you wanna tell mama what you're thinking?" tanong ko kay jewel.
umiling lang sya. nakayuko pa rin, hindi tumitingin sa amin ni yoyon. parang nadudurog ang puso ko.
"jewel, anak..." tawag ni yoyon sa kanya.
lumingon naman sya.
"ok ka lang ba?"
"yes." yuko ulit.
"kobe, you want some more?" inalok pa kay kobe yung pancakes nya. this is not the usual her. matakaw 'to eh. minsan nga nagaagawan pa silang mag-kapatid.
"juice!" sabi naman nung isa. binigay din ni jewel yung inumin nya.
bumulong ako kay yoyon.
"dada..."
hinawakan lang nya ang kamay ko sa ilalim ng mesa at ngumiti ng bahagya.
"hintay lang tayo, lab." bulong nya tsaka hinalikan ang ulo ko.
so, ayun. hihintayin lang namin na sya ang mag bring up.
.
last week na ng pasok nila. ayoko sanang pumasok kasi gusto ko syang bantayan. I wanna be there pag ready na syang mag tanong. gusto ko kaming dalawa ni yoyon. I need to give her the assurance na kahit kailan, hindi naging iba ang pagtingin namin sa kanya. she will always be our princess.
Pagsundo nila sa akin ni yoyon ng lunes ng gabi, ganon pa rin. matamlay. nakatingin lang sa bintana.
niyaya ko sila mag dinner sa labas. ayoko rin kasing sumabay sa pagkain sa lola ni yoyon.
"where do you guys wanna eat?" tanong ko sa dalawang bata.
"mama pizza!" sabi ni kobe. si jewel tahimik pa rin.
"ikaw ate?" tanong sa kanya ni yoyon. tinitignan nya sa rear view mirror.
"ok." yun lang ang sagot. jusko. naluluha ako pero hindi ko pwedeng ilabas.
.
pagdating namin sa shakey's, kinukulit sya ni kobe. dun sa binigay na placemat at crayons nung waiter.
"ate! ate!" tapos pilit binibigay sa kanya yung crayons. gusto makipaglaro sa kanya.
"kobe, no."
"ate! ate!" kulit pa rin nung isa.
"tsk. ano ba!"
"pumpkin, it's ok. ate is not in the mood. ikaw na lang mag color." sabi ko. si yoyon tahimik lang nanonood sa kanila.
"ate! ate!"
"i'm not your ate." it was a small whisper. i almost never heard it. parang alikabok lang ang bulong at nilipad ng hangin ang mga kataga ng aking prinsesa. but the words were big daggers that stabbed me broken. may pisikal na hapdi sa dibdib ko. I held yoyon's hands. malamig ito. pero kailangan ko sya.
"jewel."
"jewel, look at me, anak."
tumingin sya sa akin. i looked straight into her eyes and spoke the most honest truth that will ever come out of my mouth;
"I am your mama, anak. dada is your dada and kobe is your brother. don't let anybody tell you otherwise."
"did I come from you, too? just like kobe?"
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETED
FanficRASTRO married life. first part can be found under Rastrories. an imperfect love story. simplehan lang natin. walang kung ano-anong keme. credits to the owner of the pics used.