5

6.2K 195 24
                                    


Pagkatapos ng blotter, pinauwi na rin kami. Ang dami pang arte, ganoon din naman pala. Hindi na rin sya nagdagdag pa ng reklamo sa ginawang pag atake sa kanya ni Ben. Takot lang nya. Bukod sa ginawa nyang pangungulit kay Glaiza, malaki na talaga ang galit ni ben sa kanya. Kakambal ni Tommy na mekaniko si Tomy na pulis na palaging nangiipit sa kuya ni Lab. Oh diba ang talino ng mga magulang nila. Isang letra lang ang diperensya, pareho din naman. Pare pareho silang pamilyang tanga! Bwisit.

"Yon, magpahinga na kayo ha. Si sam na daw ang magsasara ng talyer mo." malumanay na bilin ni tatay pagkaparada ko ng pick-up sa bahay. Alas syete na ng gabi. Sakay ko si glaiza, tatay at ben. Si jewel kanina pa sinundo ni nanay sa baranggay. Panay pa nga ang ngawa nang kunin nila. Gusto pa yatang sumama sa'min ni lab na ayusin ang gusot na 'to sa baranggay.

tumango lang ako kay tatay bilang pag sang ayon.

Pagbaba ng sasakyan, diretcho na kami sa loob ng bahay. Naabutan namin si mommy sa tindahan at si Ate sa salas na karga-karga si jewel.

"anong nangyari, anak? bakit bigla mo namang sinapak?" bulalas ni mommy nang makita kami.

"sana hindi mo na pinatulan, yon." dagdag pa ni ate habang inaabot kay glaiza si jewel.

"mmm nya nya nya da da da." pati ang anak ko nakikisali sa pagtalak. natawa naman sila nang magsalita din si jewel. asar-talo si glaiza dito kasi kahit sya ang laging kasama, 'dada' ang unang salitang binigkas nito ilang linggo pa lang ang nakakalipas.

napangiti na lang rin ako.

"tarantado eh." sagot ko.

"tadu" bulalas naman ni jewel na kinagulat naming lahat.

"no, baby. bad!"

"no, baby." sabay ding pagsita ni glaiza at nadine sa kanya.

"yon, wag kang magsalita ng kung ano-ano kasi mabilis ang pick-up ni jewel." sita naman ni mommy.

"ikaw nga dyan kung maka punye- kung maka sigaw ka din, wagas eh." pangangatwiran ko. tinignan lang ako ni lab at umiling.

matalino talaga 'tong anak ko. minsan nga, nagtitimpla si glaiza ng gatas nya, siguro gutom na sya, sinigawan nya ito ng 'lablab' eh. natawa ako pero nainis si lab. pilit nya tong pinapabigkas ng "maaa-ma. maaa-ma." wala. titingin sa akin si jewel, tapos sisigaw, "dada!" hahaha.

si nadz minsan tinawag nya, "mesh. mesh. yi." tulo-laway pa. bestie daw. ang kulit lang.

.

ok sana eh. kaso lately, ayaw na nyang matulog sa crib. gusto sa tabi namin. ayaw pa na sa pader sya nakadikit. gusto talaga sa gitna. ang ginagawa ko, hinihintay kong makatulog ng mahimbing bago ko buhatin pabalik sa crib. kaso by the time magawa ko yun, minsan tulog na si lab or di kaya pagod na pagod na ko. may mga gabi namang swerte.

Pagkatapos kumain ng hapunan, naligo na ko. sumunod naman si lab. habang naghihintay, nakahiga lang ako sa kama, si jewel nakaupo sa tyan ko, nakasandal sa tuhod ko na nakatukod pataas. ganito kami mag-usap tuwing gabi.

"anong sabi ni tommy kay mama, nak?"

"waa mm nya aaa mm shhhu shhhh shhhh abrrr brrrr brrr."

"naligo na ko, beh. dahan dahan naman sa laway." sabay punas ko ng bibig nito.

"maaga ka matulog ngayon ha. kagabi, kawawa si mama sa'yo." gumapang ito paakyat sa katawan ko at pinaghahampas naman ako nito sa mukha.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon