58

4.2K 177 50
                                    


"ANO, BOK? BOK! HELLO! CHOPPY KA ANO BA?"

Ang OA naman talaga ni bestie. Akala mo nakalunok ng mic kung maka sigaw, wagas. Choppy lang pala akala ko kung ano ng emergency.

"ate, maka basag ear drums ka." Sabi ni yoyon sa kanya.

"teka nga!" sagot ni nadz bago naglakad papasok ng bahay. Mas malakas kasi signal ng globe dun kaysa dito sa labas. Ewan ko ba kung bakit.

Naiwan kaming apat dito sa may tindahan. Ako, si yoyon, si ferdie at si lea.

Hawak pa rin pala ni ferdie ang kamay ni Lea.

"uhm. Ferdie, right?"

"yes?" sagot nya kay lea

"wow, English!" pang aasar naman nitong yoyon.

"what are you need?" follow up pa ng gago. Tinuloy tuloy nga ang pag eenglish. Sablay naman.

"anak ng puta naman ferdz oh!" Komento nanaman ni dada.

"yung kamay ko." Sagot lang ni lea.

"ay. Sorry. Sorry." Sabi ni ferdz bago bitawan yung kamay ni lea. Tulala pa rin. Lovestruck?

.

"salamat, glaiza ha. Nice meeting all of you. Mauna na ko." Paalam ni Lea.

"bata ka pa." sagot naman nitong yoyon. Kahit kalian 'to, puro kalokohan.

"hahaha. I mean, uwi na ko." Gets naman pala nya mga paandar ni dada.

"alalayan mo, lab." Bulong ko kay yoyon.

"hindi na. actually, kailangan ko talagang maglakad lakad to get familiarized with the place ng walang assistance." Sagot ni lea. Ang lakas pala ng pandinig nya.

"bakit kailangan alalayan?" naman to si ferdie. Kung hindi lang talaga to kaibigan ni yoyon, na batukan ko na to eh.

"tanga. Diba bulag?" oh my god, si dada! Isa pa tong taklesa. Nasa harap lang namin si Lea.

Ngumiti lang sya bago nagsimulang itapik tapik yung walking stick nya sa sahig. Infairness sa kanya, master nya na ha. May step pa naman yung tapat ng tindahan bago yung kalsada, akala ko matatapilok pero keri naman nya.

"pre, ang ganda..." sabi ni ferds.

"sinabi ko sayo kanina diba tulungan natin?! Saan ka nang galing?" sagot ni yoyon sa kanya.

"diba may inutos ka sa akin?" sagot ulit ni ferdie.

"anong inutos?" tanong ko.

"sa talyer." "sa munisipyo." Sabay nilang sagot. Napa taas ang kilay ko. Ano nanamang kalokohan to?

"ano yun, dada?"

"may inutos ako sa kanyang kunin sa barangay at dalhin sa talyer." Smooth.

"kung kalokohan nanaman yan, yoyon, galing galingan mo ng tago ha." Tapik ko sa balikat nya bago pumasok sa loob.

"luh. Praning ka, ma? Hahahahha."

Patawa tawa pa.

.

Pumasok na ko sa kwarto at naligo. Pag labas ko andun na si yoyon. Nakasimangot. Nakatayo at nakapamewang sa paanan ng kama.

"oh bakit?" tanong ko sa kanya.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon