47

5.3K 172 52
                                    

Katatapos lang namin mag make love ni dada. Chichikahan kami ngayon. Cuddle cuddle.

"eh mga anong oras ka na nyan makakauwi pagka ganon?" tanong nya.

"ganon pa rin. wala naman madadagdag sa trabaho ko eh. kasi dati pa naman, branch manager na yung role ko. diba nga kasi naka indefinite leave si mrs. castro dahil may breast cancer." sagot ko habang nakasiksik ang ulo ko sa leeg nya.

"basta siguraduhin mo, glaiza. ganon pa rin ha. ala-singko."

"oo nga! ikaw dada, masyado kang clingy sa'kin." pang-aasar ko sa kanya.

"hahaha." tawanan naming dalawa.

"para kang si kobe, masyado kang takot mawala ako." dagdag ko pa.

"feel na feel mo naman." nakangising sagot nya.

"slight. pero alam mo, lab. hindi ko rin kakayanin ng malayo ng matagal sa inyo. naiisip ko nga, yung kay kuya ben. jusko. kinikilabutan ako."

"hindi mangyayari sa'tin yun, lab." sabay halik nya sa balikat ko.

"talaga! jusko dada mababaliw ako. yun ngang hindi ko napanood yung sayaw ni jewel sa school, naiiyak ako eh."

"hahaha. may video naman ah. napanood mo naman."

"kahit na. iba pa rin yung andun ka talaga."

"sa bagay. kailan daw ang alis nila ben?"

"sa sunday. that's in 3 days. kaya nag leave na rin ako para masamahan natin sila before they leave. dada, thank you ha."

"saan?"

"kasi tinulungan mo si kuya. pinatulong tulong mo sya sa talyer. when everyone else turned their back on him, andyan ka para sa kanya. kahit nga kaming sarili nyang pamilya, nawalan na ng tiwala sa kanya. ikaw, pinagtyagaan mo syang turuan. kaya ngayon, pag-alis nya, atleast may baon syang skills diba. marunong sya mag mekaniko."

napangiti si yoyon.

"mabilis naman syang natuto eh. tsaka syempre, kuya mo yun. pamilya ko na rin sila."

ang bait talaga ng asawa ko. nakakatunaw ng puso. kahit nga sila sanya minsan, binibigyan nya ng pera. o kaya pag may lakad sila nanay, nakikita ko yung concern nya kung may masasakyan ba sila. para hindi mahirapan mag commute. yung ganon.

"thank you, lab. i love you."

"well, if you really wanna thank me..." tapos nagsimula nanamang humalik sa leeg ko. nasabi ko nga pala na wala akong pasok bukas.

"dada!!!"

.

.

Sinamahan namin sila ate julie bumili ng mga dadalhin nila sa amerika. Although nag insist sya na siya na sasagot ng pamasahe ni kuya, dinagdagan pa rin nila tatay yung naipon na pera ni kuya ben para sa pamasahe nya. binigyan ko rin ng konting pera si kuya para naman may pocket money sya kahit papaano.

tuwang tuwa si althea noong sinama sya ni lab sa circuit. nag rent pa kami ng isang race car don para ma experience naman nya. sabi ni dada, habang umaandar daw sila, pilit pa daw syang pinapatakbo ng mabilis ni althea.

after that, kumain kami sa moa. tsaka namili ng konting damit ni kuya. si ate julie laging nagiinsist na sya magbabayad. eh nahihiya naman kami. sabi nga ni nanay sa kanya, malaki ang utang namin sa kanya kasi mag-isa nyang pinalaki si althea. sinolo nya yung responsibilidad na dapat sa kanilang dalawa ni kuya ben. sumagot naman si julie na naiintindihan daw nya dahil pinaglayo nga naman sila ng nasira nyang ama.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon