53

6.6K 190 116
                                    




           

Hindi muna sumunod si Yoyon kay Glaiza. Alam nyang mas iinit lang ang ulo ng asawa at hindi agad ma reresolve ang conflict na ginawa nya. Nagsisisi sya ba't nya pa binitiwan ang mga ganoong salita. Sa lahat ng bagay, aminado sya na palagi syang pinagbibigyan ni Glaiza. Kahit maraming trabaho sa banko, pilit itong tinatapos sa oras ni Glaiza dahil andyan na ang sundo nya ng sakto ala-singko. At kahit pagod na pagod ito galing sa opisina, she makes time to be a dutiful wife to yoyon. Sa pagkain nila. Sa paglalaba ng mga damit. Kahit sa pag aalaga ng bata, hindi sya gaanong nirerequire ni Glaiza.

Sa mga malalaking desisyon nila bilang mag-asawa, often times, kay yoyon ang final say. Sa pagbili ng lote. Sa kung kailan sisimulan ang pagpapatayo nila ng bahay. Although minsan, magkaiba sila ng opinion sa mga bagay-bagay at nagbubunganga si glaiza, madalas sya pa rin ang nagpaparaya at si yoyon ang nasusunod.

Pwera lang sa mga bata. Pag dating sa mga anak nila, walang aatrasan si Glaiza. Kung ano ang paniniwala nyang tama, yun ang masusunod.

.

Gabi na ng pumasok sya sa kwarto nila. Tulog na ang mga bata. Si glaiza, nakahiga na rin sa kama.

Dumiretcho muna sya sa banyo para maglinis ng katawan, bago tumabi sa kanila.

"ma, sorry." bulong nya kay glaiza.

Hindi sumagot ang asawa ni yoyon. pero alam nyang gising pa ito.

"naiintindihan ko naman eh. na nagawa mo lang yun para kay je—"

"sshhh. baka marinig ka. it's ok. it never happened. just please lemme do this my way." pagputol sa kanya ni glaiza. Hindi pa rin ito humaharap sa kanya.

"oh sige." pumikit na si yoyon. they've been married for a while now at alam nyang mas lalala lang ang situation kung pipilitin nya si glaiza na pag-usapan ito. In time, pag ready na si glaiza na pag-usapan, alam nyang sya mismo ang unang magsasalita tungkol dito.

nagulat sya ng biglang nagsalita ulit ang asawa.

"hindi rin ito madali sa akin, dada. this is all new to me. but I just have to do it. sorry din." with that, humarap si glaiza kay yoyon at yumakap. sa gitna nila ang panganay nila na mahimbing ng natutulog.

Hindi na nila ito muli pang napagusapan.

.

Isang buwan nanaman ang lumipas.

2nd Birthday ng bunsong anak ni Yoyon at Glaiza. Sa bahay lang nila sa Kamuning ginanap. Yun kasi ang gusto ni Yoyon. Sya ang masusunod ngayon kasi sya ang gagastos. Nagbayad nanaman kasi ng halos one hundred fifty thousand pesos si Glaiza sa Ateneo. Kaya 22 inch lang ang waist line ni mama ngayon sa higpit ng sinturon nya. Buti na lang maraming tanggap si yoyon. Mas mabilis na ngayon ang turn around time ng repair at maintenance sa Lightning Speed Auto Works kasi dalawa na yung pwesto nila.

Sarado ang kalsada. May tent sa harap ng bahay na may malaking tatak na BG sa ibabaw. Galing ito sa barangay. Libre na lang ang hiram ng tent sa barangay ngayon. Pati ang monoblock na tables and chairs. Kaso syempre yung pang matanda lang. Kinailangan pa rin rumenta ni yoyon sa party needs shop para sa mga batang bisita. Pinapahiram ito pag may mga okasyon like kasal, birthday at syempre pag may burol. Medyo gumanda na rin talaga ang Kamuning. Galing ng kapitan eh. Ex-military kaya disiplinado ang mga tanod. Wala na ring adik. Change has come kumbaga.

Ang daming handa ni kobe. Hindi naman masyadong haggard si Glaiza sa pagluluto kasi marami namang tumulong sa kanya. Nanay nya, si sanya, si manang ida, ang pinsan ni yoyon na si steph at syempre ang byenan nya. Ang bestfriend nyang si nadz, tumulong din sa pag gagayat ng mga rekado kaso steady lang sya dapat sa isang pwesto. Iaabot lang sa kanya yung mga hihiwain. Ang panganay nyang anak na si Jewel, tumulong din. taga taste test. Yung lumpia, bagong hango sa mantika, nilantakan agad. Napaso sya. Umiyak. Nabadtrip pa kay Sanya kasi hindi daw muna hinipan bago ilapag sa harapan nya. Spoiled na bata.

Pangarap Ka Na Lang Ba (book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon