one

1.3K 48 3
                                    

Bahay ni kuya

"Naaay! U don't do dis don't leave mehhh!!" Sabi ko kay inay habang naglulupasay sa sahig at hawak ko ang tuhod niya—charot! kalmado kaya ako mga bes, kaya sa talampakan niya lang ako nakahawak.

"Bitawan mo nga ako! Kung kailan nandito na tayo sa airport doon mo pa ako pipigilan? Isipin mo na lang nak pupunta lang akong palengke." Sabi niya kaya binitawan ko siya at tinignan ng weirdong tingin.

"Seryoso nay? Tatagal ka ng ilang years sa palengke? Aba matinde!" Sarkastiko kong sagot pero siya dedma, busy pa din sa pagaayos ng maleta niya, "pero naaaay! Wag mo naman ako iwan kay kuya huhuhu ayoko dun eh!" 

Nagmamaktol pa ako pero bigla niya akong hinila.

"Oh ayan pagkasiyahin mo sarili mo sa maleta ko sumama ka sakin!" Puwersahan niya akong pinapasok sa maleta niya.

"Aray ko naman nay masakit! Omg—aray stahp! Parang awa!" Sigaw ko kasi naman pagkasiyahin nga ba ako sa maleta?!

Binitawan naman niya ako pero gulo gulo na buhok ko.

My ghad!

"Nasaan na ba kasi yung kuya mo? Di ba sabi ko dapat mauna siya satin?" Naiinis niyang tanong habang ako sinusuklay yung buhok ko na ginulo niya.


Duhh? ang gulo na kasi, nakakabawas na ng ganda.

"Aba ewan ko po, alam mo naman si Kuya Alien time mas matindi pa sa Filipino time." sabi ko kaya napailing na lang si inay.

Tapos na niyang ibaba 'yung malalaki niyang bagahe at nagtagal lang naman siya dun dahil hindi ko siya tinulungan.

AYOKO NGA KASI SIYA UMALIS (>y<)

At dahil nga ang bad bad ko, hindi ako nagtagumpay sa balak ko dahil naibaba niya lahat ng mabibigat niyang maleta mula sa Van na inarkila namin. 'Yung driver kasi, kaya hindi din natulungan si inay eh bumili ng foods.

Pinabili ko talaga siya bcoz u knoe, 'yung plano ko sana...kaso mukhang strong pa din ang nanay ko hanggang ngayon so iyon nga mga bes, nag fail ako. (ToT)

Nung dumating na 'yung driver, kinain ko na 'yung dala niyang burger.

Bakit angal ka? Gumalang ka sa nakakaganda sa'yo.

Hehehe charot lang bati tayo bait ako hehehe.

Habang kumakain ako, narinig kong kausap na ni inay si kuya sa cellphone at ayun, nagtatalakan silang dalawa at wala na muna akong pake dun dahil busy ako sa foods.

By the way high way. I'm Meiko Arianne Kim nga pala. Half chinese, half garter. 16 years old na ako at syempre nag-aaral pa naman. 'Yun nga lang lilipat na ako ng school na malapit sa bahay ng kuya ko. *le cries*

Pero dedma, kahit naman saan akong school pumunta wala akong pake eh. Wala din naman kasi akong mga kaibigan sa school ko.

Basta ang mahalaga dapat nandito lang inay ko huhuhu!

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon