Corned beef
Meiko's POV
"Hoy babae. Monday na bukas at bukas ka na din papasok sa ACE. Wag ka mag-alala marami ka makakasundo doon." Napanganga naman ako sa sinabi ni kuya
"HA?! BUKAS NA AGAD?! HINDI BA PWEDENG NEXT WEEK NA LANG? O KAHIT NEXT NEXT WEEK? BUKAS TALAGA?!" napatakip naman siya ng tainga niya dahil sa pagtaas ko ng boses.
Aba naman kasi? Magdadalawang araw pa lang ako nandito sa bahay niya ah? Atsaka one week pa lang ang nakakalipas nung umalis ako ng school ko dahil nga sa paglipat ko dito tapos papasok na ako agad?
"Na-enroll na kita doon kaya wala ka na magagawa. Full paid. No more balances. Nabili ko na din ang books at uniforms mo. Anything else?" Wow. Ang dami naman talagang pera ng kuya ko oo. -____- bakit ako bente pesos lang ang laman ng wallet ko? Nakakainis, ako naman ang bunso ahh.
Pero sheeet! Hindi pa ako readyyyy! Gusto ko pa magpahinga muna, nakakabwisit naman eh! Atsaka panigurado naman na wala din ako magiging kaibigan doon kaya mas lalo magiging boring ang buhay ko.
Sa school ko din naman kasi dati kahit isa wala akong kaibigan. Well, ewan ko din bakit ganun pero nasanay na lang din siguro ako mag-isa at si inay lang ang palagi kong kasama. Eh paano nga ngayon wala na din si inay di ba? Huhuhu
"Eh ano pa nga bang magagawa ko? Anong oras ba ang pasok doon?" Bored na tanong ko sa kaniya.
"7:30am lang ang pasok mo. Kaya dapat 5:30am gising ka na ang kupad kupad mo pa naman!" Inirapan niya pa ako. Eww bading ampoque. Pero what?! 5:30am lang? Tss edi okay di pa naman ako sanay dito sa bahay eh baka maaga naman talaga ako magising.
"K." Tipid na sagot ko na lang sa kaniya.
7pm na. Umuwi na din 'yong limang tukmol kanina pa. Syempre nakakahiya naman sa amin kung magi-stay pa sila dito 'di ba? Ang aga-aga na nga nilang pumunta samantalang ang usapan tanghalian. -_- Hindi sila excited eh bakit ba.
"Hapunan na magluto ka na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya
"What?! Bakit ako? Hala ah hindi ako marunong!" Napapailing na sabi ko
"Tutulungan ka naman ni Yohan." Tss nananadya ba si kuya?
"Bakit si Yohan nanaman? Hindi ba pwedeng ikaw na lang? Marunong ka naman magluto ah!" Inis na sabi ko. Eh paano palagi na lang si Yohan ang tumutulong sa'kin. May hiya din naman ako noh atsaka baka mamaya ang dami na isumbat sa akin ni labanos
"Ngayon lang 'to para naman nababanat ang katawan mo. Atsaka mas magaling kasi magluto sa'kin si Yohan." Kokontra pa sana ako pero nagsalita na ulit si kuya "atsaka kinausap ko na din siya tungkol diyan. Pumayag naman ang gago."
"We? Iyon papayag? Eh sabi nga nun hindi daw siya tumutulong ng walang kapalit eh." Nagtaas lang ng dalawang balikat si kuya
"Problema mo na 'yon." Inirapan ko na lang siya. Bahala na may utang naman talaga ako kay Yohan eh
Maya-maya din lumabas na si Yohan sa kwarto niya. At..at..omg holly shet! Ang hot ni labanos ngayon a—OMG?! ANO?! ANG PANGIT NIYA SABI KO!
"Hinay hinay lang baka matunaw ako." lalo akong nabalik sa katinuan nang marealize kong nakatitig pala ako kay Yohan
Kakatapos niya lang kasi maligo at naka boxer short lang siya at white na T-shirt tapos may twalya sa balikat niya at tumutulo pa yung itim niyang buhok na basa sa mukha niya. DI BA?! SINONG HINDI MAPAPATULALA DOON?
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...