I don't wanna grow up
Shin's POV
"Happy birthday."
Napangiti ako agad pagsagot na pagsagot ko sa tawag niya. Kagigising ko lang pero boses niya agad ang bumungad sa akin at siya ang unang-una na bumati ngayong birthday ko.
"Thank you." Nakangiti kong sabi habang nagtatanggal ng muta. Hehehe call lang naman sa messenger di niya naman makikita.
"HAPPY BIRTHDAY!!"
"Ay tangina mong animal!"
"Shinlee Jeon?!"
Napatakip ako ng bibig dahil narinig niya ang pagmumura ko. Binanggagit nanaman niya tuloy ang buo kong pangalan. Ayaw na ayaw niya kasi akong nagmumura.
Eh bakit kasi bigla-biglang pumapasok sa kwarto ko 'yung tropa at sisigaw ng 'Happy Birthday!' samantalang may party naman ako mamaya. Kasama din ngayon si Gab at Eya.
"Paano kayo nakapasok sa kwarto ko?!" Tanong ko sa kanila.
"Ayan agad? Wala man lang thank you?" Tanong ni Ela at bumelat lang ako.
"Malamang may duplicate na susi ka kay mama 'di ba." Sabi ni kuya at siya naman ang bumelat.
"Thank you."
Sabi ko at lahat sila lumapit sa akin para mai-blow ko na 'yung cake na hawak ni Ela.
"Ako may pakana niyan." Sabi naman ni Veence sa kabilang linya.
"Sira. Kahit naman bati mo lang masaya na ako." Banat ko at narinig naman ako nila Hans.
"Bwiset 'di man lang na-appreciate."
"Sabi ko naman kay kuya kahit landiin niya lang magdamag si Shin ayos na sa kaniya, eh." Sabi naman ni Meiko.
"Oy hindi, ah. Na-appreciate ko kahit 3%." Pagbibiro ko at sinamaan nila ako ng tingin kaya tumawa lang ako.
"Basta Hans 'yung performance natin mamaya, ha?" Sabi ko sa kaniya at agad naman siyang nag thumbs up.
"Oo kahit nga tulog sinasayaw ko." Sabi niya at humagalpak ng katatawa.
Okay siya lang ang natawa sa sinabi niya.
"Wala kang kwenta mag-joke." Sabi ni Yohan sa kaniya kaya nawala ang ngiti sa labi ni Hans at sasapakin niya sana si Yohan kaso 'di niya din naman tinuloy.
"Ah basta alis na kami mag-re-ready pa kami para sa susuotin mamaya." Sabi ni Jam kaya nagtanguan naman 'yung iba.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...