nine

328 35 22
                                    

New friends


Meiko's POV

"Okay class, get your book and read page 269." Sabi ng subject teacher namin pero parang pumasok lang iyon sa isang tainga ko at lumabas sa kabila. 

Konti na lang parang babagsak na ang ulo ko sa arm chair dahil sa sobrang antok. 

"Have you not heard it? Pinapalabas ni ma'am ang libro." Nagising ng kaunti yung diwa ko nang sikuhin ako ng bahagya ni Dylan sa braso na katabi ko lang pala. 

Tumango naman ako sa kaniya at mapikit-pikit na kinuha na lang yung libro ko atsaka nagsimulang magbasa. 

Narinig ko naman na medyo napapigil ng tawa si Dylan kaya napalingon ako sa kaniya. "Baligtad."

Napatungo ako sa libro na hawak ko at napansin ko ngang baligtad yun kaya napakamot ako ng ulo. "Ay he he. Sorry na antok lang." 

"Yeah, I noticed it. Gusto mo matulog?" Nagulat naman ako sa tanong niya sa'kin.

"Oo kaso nandiyan si ma'am eh. If you know what I mean." Napahigab pa ako matapos kong sabihin iyon.

Nakakainis kasi dahil mag-uumaga na halos noong matapos kaming mag gaguhan ng bts. 

Ang akala ko talaga yung supermoon lang na nakababatang kapatid daw ni superman lang ang pakay nilang makita kaya sumunod ako pero hindi ko naman alam na pati pala ang pagsikat ng araw aabangan nila -_____- no choice naman ako at sumabay na lang din sa kanila sa pagtulog. 

Ang bobo lang di ba?

"Dumukmo ka na lang tapos takpan mo ng libro ang mukha mo." Nagulat ako dahil sa sinabi niya at napakunot ng noo. Seryoso ba siya? Papatulugin niya talaga ako?

"H-hindi mo ako susumbong?" Mahina lang ang pagtatanong ko dahil medyo tahimik ang paligid dahil yung iba nagbabasa na. Baka kasi marinig pa kami ng teacher.

"Of course not," Seryoso niyang sagot atsaka niya dahan-dahang binaba ang ulo ko padukmo, "Isasama na lang natin 'to sa irereview later. Now, sleep well." Nakita ko pa siyang ngumiti ng tipid sa akin at siya pa ang nagtakip sa akin gamit ang libro ko pero dahil antok na antok na nga ako, nagdilim na lang bigla ang paningin ko.

**

"Pony?"

"Hey!"

"Gumising ka na tapos na ang klase."

Napainat ako bigla nang magising ako sa mahinang tapik ng kung sino man sa pisngi ko. Pagkaayos ng paningin ko napansin kong kaming dalawa na lang pala ni Dylan ang nasa loob ng room. Pony? Tinawag niya ba akong pony?

"Good morning." Natatawang saad niya sakin kaya nagulat ako sa inasal niya. 

Napatameme ako sa mukha niyang may ngiti sa mga labi at parang tumibok ng mabilis ang dd ko—ang puso ko.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon