thirty two

199 21 66
                                    

You can't avoid me

Meiko's POV

"Wala, wala akong gusto kay, Meiko."

Ang linaw.

Sobrang linaw ng pagkakarinig ko sa sinabi ni Yohan na halos mapagulit-ulit na 'yun sa utak ko.

Mali lahat ng akala kong may chance na may gusto din siya sa'kin. Mali na naniwala ako sa kinikilos niya at mali na umasa ako sa kaniya.

Ang tanga ko naman kasi eh!

Narinig ko naman na noong kinekwento niya sa'kin kung gaano niya kamahal 'yung ex niya pero ano? Anong ginawa ko?

Hinayaan ko pa rin na mahulog ang sarili ko sa kaniya!

"Good, mas mabuti na nagkakalinawan tayo." Rinig kong sabi ni kuya.

Mabilis na akong umalis sa harap ng kwarto ni Yohan dahil narinig ko na 'yung mga yapak ni kuya senyales na palabas na siya ng kwarto. Ayoko naman makita niya akong umiiyak dahil hindi naman niya alam na narinig ko 'yung usapan nila. Hindi din naman niya alam na nandito ako para kausapin si Yohan at para umamin sa nararamdaman ko para sa kaniya.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at mabilis na ni-lock 'yun at tumakbo ako sa kama ko.

Naaalala ko nung bata pa ako, tanging sugat lang sa tuhod ang iniiyakan ko. Pero ngayong nakilala ko si Yohan, ang daming nagbago...'Yung kirot ng sugat ko sa tuhod, napunta na sa puso k---wait?!

Taena?!

Bakit ba nagdadrama ako?! Nakakadiri naman! Ganito ba talaga kapag nasaktan?!

"Nakakainis ka, Yohan Min! Nakakainis kaaaa!" Sigaw ko habang nakadagan sa mukha ko 'yung unan na ginagamit ko sa pagtulog.

Ngayon lang ako nasaktan ng ganito sa lalaki. Dati kasi may mga naging crush naman ako sa dati kong school pero hindi ko naman sila iniyakan. Hinahangaan ko lang naman kasi sila at nawawala din naman 'yun kapag tumatagal.

At sa tingin ko hindi lang crush ang nararamdaman ko kay, Yohan.

"Ayan Meiko Kim malinaw na sa'yo ang lahat! Walang gusto sa'yo si ,Yohan, okay? Wala!" Sabi ko sa isip ko.

Hindi naman talaga ako aasa at masasaktan kung hindi dahil sa mga pinapakita ni Yohan 'di ba? Kung hindi sana niya ako nilandi, hindi ako mahuhulog sa kaniya! Kung hindi sana siya nagpakita ng motibo, hindi ko lolokohin ang sarili ko! Hindi ko naman kasalanan na nahulog ako sa kaniya, e.

Kingina mo, Yohan! Magtae ka sana ng sobrang lambot tapos may tubig tubig pa!

Pilit kong pinipigilan na huwag tumulo ang luha ko pero parang traydor ito na patuloy lang sa pagbuhos hanggang sa nakaramdam na lang ako ng pagod at nakatulog. Paggising ko, napamura na lang ako dahil umaga na. Walangya, bakit ngayon lang ako nagising?!

"Sht!" Napamura ako ulit nang makita ko 'yung cellphone ko at shet na malagket! male-late na ako!

Nagmadali akong bumaba para makapasok sa banyo pero sa minamalas nga naman, nakasalubong ko lang naman si, Yohan.

"Bakit ngayon ka lang nagising? Kinakatok kita kanina pa pero naka-lock 'yung kwarto mo." Tanong niya pagkakita na pagkakita niya pa lang sa'kin. Napahinto pa nga siya sa paghahalo ng kape niya.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon