twenty

234 27 21
                                    

Community service


Meiko's POV


"Ms.Kim, samahan mo si Ms.Choi sa one week na community service every dismissal until 5 o'clock."


Matapos kong marinig 'yon, Napamura na lang ako at sinamaan ng tingin si Lauren na ngiting-ngiti habang palabas kami ng guidance office.


P#t@n6/n@!!


Ano ba talagang gusto ng babaeng 'to sa'kin? Kung hindi niya ako sinasaktan, pinapahamak naman niya ako! Arggh!


Imbis na uuwi tuloy ako, diretso library pa kami para maglinis at mag-ayos ng mga sirang libro! Ang sarap talagang sabunutan ng babaeng 'to simula ulo hanggang baba!


"Lauren ano ba talagang problema mo? Bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to?" Mahinahon kong tanong sa kaniya dahil ayoko naman ng gulo.


Kahit na gustong-gusto ko na siya kaladkarin dito, sinubukan ko pa rin maging kalmado.


"Bakit? Akala mo ba papayag ako na ako lang ang magpakapagod dahil din sa kagagawan mo?" Nakataas pa ang kilay niya sa akin.


"Seriously Lauren? Tanga ka talaga no? Eh alam mo naman na ikaw din ang dahilan kung bakit ka mag co-community service eh! Kung hindi mo sana ako sinaktan nun, hindi ka mapaparusahan!" Hindi na ako nakapagpigil at sinigawan na siya pero tinawanan niya lang ako.


"Manahimik ka na lang dahil magsasayang ka lang ng laway Meiko Arianne Kim. Wala naman kasi akong pake sa pinagsasabi mo." Sabi niya at nauna na maglakad. Pinatama niya pa ang balikat niya sa balikat ko bago niya ako lagpasan.


Aba't talagang ginigigil niya si acoe ha?


Atsaka ang kapal ng mukha niyang banggitin yung buo kong pangalan, nakakakilabot kaya! Pakiramdam ko kasi binabanggit ng isang mangkukulam 'yung buo kong pangalan!


Sumunod na lang ako sa kaniya kahit na inis na inis ako at dahil nga uwian na, ibig sabihin, magsisimula na kami sa library kaya doon ang punta namin. Tinext ko na lang si kuya na male-late ako ng uwi.


Noong nasa tapat na kami ng library, akala ko papasok na siya sa loob pero sa ibang direksyon siya pumunta.


"Hoy tanga! Dito yung daan ulol!" Sabi ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin.


"Iihi lang ako duh." Sabi naman niya at aalis na sana pero bumalik siya, "and please, stop calling me 'tanga'. Gaya mo pa ako sa'yo che!"


Umalis na siya at pinakyu ko na lang siya bago ako pumasok sa library.


Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon