twenty one

218 23 45
                                    

What happened?


Meiko's POV


"Kamil hindi nga kasi! Ang ibig ko kasing sabihin doon, hindi ko pa natitikman ang pagmamahal mo!" Napapatakip na lang ako ng tenga dahil kay kuya.


Eh paano ba naman kasi, kanina pa siya sigaw ng sigaw sa sala at mukhang kausap niya yata sa telepono 'yung nililigawan niya.


Pinag-uusapan yata nila 'yung pick-up line ni kuya at mukhang balak na yata siyang basted-in ni Kamil dahil dun.


Ayan kasi, aral muna bago libog.


Anyways, nasa kwarto ako ngayon.


Kita niyo na? Nasa kwarto na ako pero naririnig ko pa din ang boses ni kuya.
-_____-


Kung nasa pbb lang talaga ako, siguradong ibibigay ko sa kaniya 'yung buong 3 points para lang makalabas na siya ng bahay.


O kaya naman, 2 points kay kuya dahil maingay siya at 'yung 1 point naman kay labanos dahil tulog siya ng tulog.


Syempre 1 lang kay labanos dahil nilibre niya naman ako kanina, huehue.


Pero hindi ko pa rin maisip na nilibre ako ni labanos samantalang wala naman akong naaalalang may utang siya sa'kin. Kung tutuusin nga ako pa ang meron.


Noong tinulungan niya akong maglinis ng kwarto ko, hindi ko pa siya nababayaran dun pero hindi naman niya ako kinakausap tungkol dun? Ilang buwan na rin kaya 'yun.


Sana nakalimutan na niya, hehehe.


Siguro naman nakalimutan na niya 'yun 'di ba? Kayo nga nakalimutan na yata 'yun eh hehehe.


"Bakit kaya hindi pa siya nago-online?" Para akong timang na kinakausap ang sarili habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.


Tinitignan ko kasi kung online si Dylan sa messenger pero nakita ko naman, mag-i-isang araw na siya hindi active.


Ano kayang nangyari sa kaniya at hindi din siya pumasok?


Nakaramdam na ako ng antok kaya tinabi ko na lang 'yung cellphone ko.


Siguro bukas ko na lang siya kakausapin, bahala na kung papasok siya bukas o hindi.


*the next day*


Pagpasok ko ng room, nagtaka ako dahil biglang nag-ingay ang paligid at kaniya-kaniya ang mga kaklase ko sa pagyakap sa bag nila.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon